I-FLEX
ni Jun Nardo
NABIYAYAAN ng free wi fi ang ilang lugar sa San Pedro, Laguna. Nagkaroon ng launching ang Wi-Fi Zone ni Dave Almarinez last Monday sa isang mall sa San Pedro.
Nang tanungin namin kung magkano ang ginastos ni Dave na tumatakbo pa lang bilang kandidato sa pagka-congressman, ang tugon nia ay, “Next question please!”
“May partners tayo. Hindi lang naman ako. Para makapagbigay ng libreng wi-fi sa public places,” rason ni Dave.
Ano ‘yung balitang binabaklas daw ang tarpaulins na ikinakabit?
“Kasi nagguguwapuhan sa kanya eh! Kahit hindi ako kasama nito, pinagkakaguluhan kaya sabi ko, after election, puwede na akong maging manager (niya),” saad ni Ara.
Sa launching ng project ni Dave, nagpasampol ang mag-asawa ng ilang kanta para sa mga dumalo. Hiling naman ni Ara, “Birthday ko po sa May 9. Ako naman po ang manghihingi ng regalo sa inyo na iboto ninyo si Dave,”bulalas ni Ara.
So after election na siya mabubuntis?
“Ha! Ha! Ha! Madali na ‘yon! Kasi mahirap mangampanya na ako eh may lobo ang tiyan ‘di ba?” katwiran ni Ara na pinagkakaguluhan pa rin ng mga tao.