Friday , January 10 2025
Aga Muhlach

Aga Muhlach ‘pinalibre’ ng CA ng P7.4-M

HATAWAN
ni Ed de Leon

NOONG isang araw ay may nagtanong sa amin kung ano ang masasabi namin sa desisyon ng CA na pinalibre si Aga Muhlach at ang kanyang dating manager na magbayad ng P7.4-M ng isang kompanyang kumuha sa kanya noon bilang endorser, dahil sa breach of contract.

Ang alegasyon ng kompanya, hindi kinompleto ni Aga ang bilang ng weight reduction sessions na kailangan niyang gawin para matamo ang ideal weight. Sa halip, may mga social media post na ginawa si Aga tungkol sa kanyang ginagawang diet para makapagbawas ng timbang at nagpupunta siya sa isang kilalang gym para mag ensayo para pagandahin ang hubog ng kanyang katawan, at iyon daw ay taliwas sa sistemang ginagamit ng kanilang kompanya na siyang nagbayad kay Aga bilang endorser. Sinabi nilang nilabag ni Aga ang kanilang kasunduan.

Ang kompanya ay pinanigan ng Makati RTC at inutusan nga si Aga at ang dati niyang manager na magbayad ng P7.4-M bilang danyos sa kompanya.

Umapela ang kampo ni Aga sa Court of Appeals, na kamakailan nga ay nagpalabas ng isang desisyon na binaliktad ang desisyon ng RTC, kaya nakalibre si Aga sa responsibilidad na magbayad ng P7.4 milyon.

Sa kanilang desisyon, sinabi ng CA na bagama’t totoong binayaran nga si Aga bilang endorser ng kompanya, hindi naman maliwanag sa kanilang kontrata na walang magagawang ibang paraan si Aga bukod sa sistema ng kompanya para makapagbawas ng timbang at ilagay sa ayos ang kanyang katawan. Sa kanilang pananaw, binayaran nga si Aga for advertising purposes na ginawa naman ng actor, pero ang kawalan nga ng probisyon sa kasunduan na nagbabawal sa kanyang gumawa ng ibang paraan para magbawas ng timbang ay maliwanag na walang nilabag si Aga, sabi ng CA.

Anong opinion ang ibibigay namin diyan? Hindi pa panahon eh. Ang desisyon ay maaari pang itaas ng complainant at iapela sa Korte Suprema, bagama’t kung gagawin nila iyon para sa simpleng kasong iyan, aabutin sila ng maraming taon pa sa dami ng kasong nakahain sa SC.

Ang masasabi lang siguro ng complainant, maaaring hindi nga nakasulat sa kontrata ang mga prohibition pero ang mga iyon ay presumed na napagkasunduan na rin nang kunin nilang endorser ang actor. Pero sa opinion nga ng CA, hindi puwede iyang presumptions eh, kailangan specified kung ano man ang napagkasunduan.

Halimbawa, hindi maibabawal ng isang fabric conditioner sa kanilang  endorser na nagsasabing pinababango niyon ang mga nilabhang damit na sabihin ng kanilang endorser na gumagamit siya ng cedar wood sa kanyang closet para mapanatiling maganda ang amoy ng kanyang damit kung hindi iyon nakasaad sa kanilang kasunduan. Iyang desisyon ng CA sa kaso ni Aga ang magbubukas sa isipan ng mga ad agency na kailangang specified sa kanilang kontrata ang lahat ng puwede at hindi

puwedeng gawin ng kanilang endorser.

 In the first place hindi naman sinadya ni Aga ang kanyang ginawa para kalabanin ang ine-endorse niya.

About Ed de Leon

Check Also

Rufa Mae Quinto NBI

Rufa Mae sumuko sa NBI

DUMIRETSO agad sa National Bureau of Investigation (NBI) si Rufa Mae Quinto pagkarating ng Pilipinas …

Vic Sotto Darryl Yap

Vic Sotto idedemanda si Darryl Yap

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAKASUHAN daw ni Vic Sotto ang kontrobersiyal na direktor, si …

Sam SV Verzosa Quiapo Nazareno

Sam Versoza 16 taon nang namamanata sa Nazareno, miyembro ng Hijos del Nazareno

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KONGRESISTA o simpleng tao, patuloy pa rin ang pamamanata sa …

Jimmy Bondoc

Jimmy Bondoc, sumabak na rin sa politika

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAHALAGANG taon at malaki ang magiging pagbabago ng 2025 sa singer, lawyer, …

MMFF 50

Kontrobersiya sa MMFF 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAYA naman ‘yung mga traydor na hanggang ngayon ay naglilinis-linisan sa …