Wednesday , May 7 2025
Benhur Abalos Bebot Bello MMC DoLE
Bago magbitiw, iginawad ni MMDA chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang plaque of appreciation para sa inisyatiba ng DoLE sa contact tracing. (Larawan mula sa MMDA PIO/Mary Ann Tanbio)

Bello pinarangalan ng MMC para sa contact tracing efforts ng DoLE

MAKATI CITY, METRO MANILA — Binigyan ng rekognisyon ng  17 local chief executives (LCEs) na bumubuo ng Metro Manila Council (MMC) ang inisyatiba ng Department of Labor and Employment (DoLE) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III para sa pagbibigay-daan sa deployment ng aabot sa 6,000 contact tracer na sumuporta sa kapasidad ng pamahalaan upang matugunan at mapigilan ang pagkalat ng mga impeksiyon ng CoVid-19 sa National Capital Region (NCR) — ang tinukoy na epicenter ng pandemya ng coronavirus sa bansa.

Sa bisa ng Metropolitan Manila Development Authority Resolution No. 22-02, nagkaisang pinarangalan ng MMC sa pagbibigay ng plaque of appreciation para sa DoLE at kay Bello bunsod ng “unqualified and full support” sa pandemic response ng pamahalaan.

“Early detection of cases, through contact tracing, is a vital step in mitigating the spread of the disease. Through relentless contact tracing, the government was able to effectively identify potential carriers of the virus and their contacts and prevent the spread of the virus,” punto ni MMDA chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., na kamakailan lang ay nagbitiw sa pagiging hepe ng MMDA.

“We are extending our utmost gratitude and appreciation to DOLE Secretary Bello for his selfless and magnanimous action for the hiring of contact tracers under its Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers or TUPAD program and their deployment to the metro’s LGUs (local government units),” dagdag nito habang personal na ipinagkaloob sa kalihim ang plake sa kanyang tanggapan sa DoLE Building sa Intramuros, Maynila.

Binigyang-pansin ng MMC ang malaking tulong na naipagkaloob ng DoLE sa contact tracing.

“These additional contact tracers were of proven and invaluable assistance to the Metro Manila local government units in the identification and detection of persons who were infected with or exposed to the Covid-19 virus in line with the implementation of the Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate strategy of the government,” binanggit ng council sa MMDA resolution na nilagdaan ni Abalos at ng 17 alkalde ng Kalakhang Maynila.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Makati City

Sa P240-M confidential funds ni Mayor Abby Binay vs criminality  
‘SHARP INCREASE’ SA KIDNAPPING, ROBBERY NAITALA SA MAKATI CITY

NAGKAROON ng ‘sharp increase’ o matalim na pagtaas sa insidente ng kidnapping, robbery at iba …

Money Bagman

Ransom money kay Que, dumaan sa 2 casino junket operators – PNP

TINUKOY ng Philippine National Police (PNP) ang dalawang casino junket operators na pinagdaanan ng ransom …

Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist

Comelec reso ipasa pabor sa lehitimong ABP officials, katarungan sa pagpaslang kay Leninsky Bacud hiniling

SA PAGDIRIWANG ng International Firefighters Day, muling iginiit ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Partylist …

Arrest Shabu

HIV drug pusher swak sa P.4 milyong shabu

DINAKIP ng mga operatiba ng Quezon City Police District — Batasan Hills Police Station (QCPD-PS6) …

Jaye Lacson-Noel

Ayon sa mga survey  
JAYE LACSON-NOEL NEXT MAYOR NG MALABON

KUNG ang lahat ng ginawang surveys sa Malabon City ang magiging batayan ng paparating na …