HATAWAN
ni Ed de Leon
KAKAIBA ang gimmick ng isang pa-star na baguhang male star. Nagsa-sideline siya at siya mismo ang gumagawa ng deal, pero ang gimmick isasama siya sa isang staycation. Doon na sila magtatagpo ng kanyang ka-deal. At dahil pinalalabas na “fresh” siya at baguhan lamang, dahil kasasali nga lang sa isang acting workshop, siyempre “mataas ang presyo.” Pero turned off ang clients.
“Mataas na ang presyo marami pang arte. At ang masakit matatanso ka dahil bading din naman pala siya,” sabi pa nila.
Minsan din daw, sumama iyon sa isang talent manager-manageran. May understanding siyempre. May gagawing pictorial kuno, pero pagkatapos niyon alam na ninyo. Ang ginawang gimmick niyon, nang dumating na ang “part 2” ng usapan ay gumawa na raw iyon ng lahat ng excuses, maliban na lang kung dadagdagan ang TF niya, eh gumastos na rin ang bading, napilitan na niyang magbigay ng dagdag na TF, pero sumusumpa siyang hindi na mauulit. After all “ga-kalingkingan lang pala.”