Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Aktor suma-sideline pa rin kahit may gay benefactor na

HATAWAN
ni Ed de Leon

“DOON na yata nakatira sa provincial house ng male star ang isa niyang gay benefactor. Makikita mo naman sa IG ng gay na ang dami nilang pictures na lagi silang magkasama. Pero palagay ko, hindi naibibigay lahat ng gay ang luho ng male star. Wala kasing dudang ‘nagsa-sideline’ pa rin ang male star sa iba. Mga two weeks ago nakita si male star na may kasamang ibang gay,” sabi ng aming source.

Pero sinasabi mang nagsa-sideline pa rin ang male star, na ikinasasama siyempre ng loob ng gay benefactor, hindi rin naman makaangal iyon, dahil alam naman niya hindi na siya madatung ngayon kagaya noong araw na nakakapag-demand siya ng loyalty ng boylet.

Isa pa, sinasabi nga raw niyon na, ”iyang mga lalaki, ibigay mo man lahat ng gusto nila, at gusto ng kanilang pamilya, makasusundo mo lang sila. Pero basta nakakita iyan ng babaeng gusto nila, o mga baklang magbibigay ng higit sa kanila, sasama pa rin iyan,” sabi raw ng gay benefactor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …