Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, man woman silhouette

Aktres nanganganib matanggal sa serye (Suhestiyon ‘di nagustuhan ni aktor)

HATAWAN
ni Ed de Leon

CURIOUS kami kung sino ang aktres at aktor na blind item ni Mr. Fu sa FB Live na Take It..Per Minute Me Ganu’n nitong Tuesday episode kasama sina Manay Lolit Solis at ‘Nay Cristy Fermin.

Base sa tsika ni Mr. Fu ay ang aktor ang nasusunod sa lahat ng nangyayari sa serye dahil parte siya ng produksiyon at ang aktres naman ay magaling at maganda na girl crush pa raw ng host.

Nag-suggest daw ang aktres ng magandang eksena pero hindi nagustuhan ng aktor at simula noon ay hindi na siya kinakausap at magkakaroon lang sila ng pag-uusap kapag eksena na.

Kaya posibleng hindi na magtagal sa serye ang aktres dahil sa pagbibigay niya ng suhestiyon dahil may ganitong ugali raw ang aktor.

Sabi naman ni ‘Nay Cristy ay napanood pa niya nitong Lunes na nandoon pa si aktres, sabay sabi ni Manay Lolit na Ang Probinsyano ang seryeng blind item ni Mr. Fu kaya nagkatawanan silang tatlo.

Sabay tanong ni Mr. Fu kay Manay Lolit, ”ikaw ba walang ikinukuwento ang alaga mo sa aktor? O baka hindi nagkukuwento kasi baka matsika mo.”

“Wala naman, baka kasi hindi magawa ‘yun ni aktor kasi alam niyang malaking artista sa kanya dati,” sambit ng talent manager ni Lorna Tolentino.

Hirit ni ‘Nay Cristy, ”hindi naman nagkikita sa eksena sina aktor at alaga niya kasi magkaaway sila.”

Hmm, oo nga hindi nga kaya matsugi sa Ang Probinsyano ang binabanggit na aktres ni Mr. Fu?

Base sa episode nitong Martes ay tinamaan ng bala sina Angel Aquino at Shaina Magdayao kasama sina Raymart Santiago at iba pang miyembro ng Taks Force Aguila dahil na set-up sila ng mga taong nag-interes sa malaking reward na nakapatong sa ulo ni Cardo Dalisay na karakter ni Coco Martin.

Kaya ang tanong, sino kina Shaina at Angel ang bida sa blind item ni Mr. Fu?

Hmm, kapag ganito ang senaryo na unti-unti ng mawawala ang mga malalaking artista na ito ay posibleng malapit nang magtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano at ang Darna ni Jane De Leon ang kapalit?

Abangan!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …