Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
AJ Raval

AJ trending ang pagiging Curly Elle

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA mga bagong alaga ng Viva ni Boss Vic del Rosario ngayon na isinasalang sa mga pelikula nila sa Vivamax, katangi-tangi nga ang isang AJ Raval.

Huwag na munang isipin na ang tatay niya ay ang hinangaan minsan sa action genre na si Jeric Raval, kundi ang ginawang paghubog sa kanya ng isang Jojo Veloso. Na bihasa ng kumilatis pagdating sa “IT” factor na hinahanap sa isang talent.

Simula sa December 17, 2021, sa Crush Kong Curly naman siguradong kagigiliwan ng mga manonood si AJ kasama si Wilbert Ross.

Kasama na sa listahan sa Pantasya ng Bayan si AJ.

Gayunman, aminado si AJ na she’s had her share of pains pagdating sa usaping puso.

“After ng mga pinagdaanan ko, sobrang okay pa rin ako.

“May times madalas akong ma-link sa nagiging leading men ko. Kaya lang, mga kaibigan ko lang sila talaga. Let’s say ‘am one of the boys. Koboy lang. Kasi ‘yun ang kinalakhan ko. ‘Yun ako, eh. Doon ako masaya. Walang kailangang ingatan sa pakikipagkaibigan. Kaya, hindi ko sila itinuturing na iba.”

At hindi na niya papansinin kung pag-isipan pa siyang tomboy. Dahil wala namang maniniwala.

Tuwang-tuwa sa kanila ang direktor ng pelikulang si GB Sampedro.

“Bagay na bagay kasi sa kanila ‘yun roles. Nabigyan nila ng justice ‘yung characters nila. And I would say para sa kanila talaga ang project na ito. Itinodo ang lahat ng dapat na ibigay.”

Walang biases sa mga kulot o panot o anupaman ang keri niyong hairdo o ginagawa sa ulo.

Samantala, ang para namang nanay-nanayan na nila sa Hashtags sa It’s Showtime na si Vice Ganda ang natuwa sa nangyayari ngayon sa acting career ni Wilbert.

“Nag-a-uplift ng morale ng bawat isa sa amin na may panibagong achievement sa career. Kahit naman noong sama-sama kami sa show, bininigyan na niya kami ng moments namin to shine.”

“Makipot, never pakipot, and always kulot” – ‘yan ang vlogger na si Elle na makikilala na sa Vivamax sa December 17, 2021. 

Muli na namang masisilayan ang kaseksihan ni AJ sa bago niyang karakter na si Elle sa pelikulang Crush Kong Curly.  Bilang dating ugly duckling na na-bully ng kanyang mga kaklase, inayos ni Elle ang kanyang sarili hanggang sumikat siya bilang vlogger.  Naniniwala siyang sex is power kaya rito umiikot ang kanyang vlogs.  Lagi siyang trending dahil kasing-kulot ng kanyang buhok ang kanyang imahinasyon at passion for sex positivity. 

Ang Crush Kong Curly ang unang rom-com movie ni AJ matapos ang tagumpay ng pinagbidahan niyang psychedelic, erotic thriller na Taya at comedy na Shoot! Shoot! ni Andrew E. Nakasama niya si Wilbert sa Shoot! Shoot! ngunit ito ang unang full-length movie na sa kanila mismo umikot ang kuwento.  Si Wilbert ang kumanta ng Crush Kong Curly theme song. 

Kasama rin sa pelikulang ito sina Maui Taylor, Gina Pareño, Chad Kinis, at Loren Mariñas , Andrew Muhlach, Jao Mapa, Madelaine Red, at Gab Lagman. 

Para mapanood ang Crush Kong Curly, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit. 

So, alamin na ang pagbukaka ni Curly Elle sa patuloy na nagte-trending na trailer nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …