Sunday , December 22 2024
Manny Asuncion

Sa pagpatay sa labor leader
MURDER VS 17 PARAK SA BLOODY SUNDAY

NAHAHARAP sa kasong murder ang 17 pulis na sangkot sa pagpatay kay labor leader Manny Asuncion sa Dasmariñas City prosecutors’ office.

Batay sa subpoena na inilabas ng Department of Justice (DOJ) kahapon ay pinahaharap sa preliminary investigation sa kasong murder sa 11 at 25 Enero 2022 ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na sina  P/Lt. Elbert Santos, P/Lt. Shay Jed Sapitula, P/SMSgt. Hector Cardinales, P/MSgt. Ariel dela Cruz , P/SSgt. Joemark Saju, P/Cpl. Ernie Ambuyoc, P/Cpl. Mark John Defiesta, P/Cpl. Arjay Garcia, P/Cpl. Caidar Dimacangun, P/Cpl. Bryan Sanchez, P/Cpl. Ericson Lucido, Patrolman Jayson Maala, Patrolman Juanito Plite, Patrolman Jonathan Tatel, Patrolman Prince Benjamin Torres, Patrolman Jaime Turingan, at Patrolman Lopera Rey PJ Dacara.

Sina Santos, Sajul, at Ambuyoc ay mga kagawad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang ang iba’y mula sa CALABARZON police regional office.

“In the case of the death of Emmanuel Asuncion, the AO 35 special investigating team (SIT) has recommended the filing of murder charges against certain law enforcement agents involved in the incident,” ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ang AO35 task force ay isang special team na binuo noong 2012 upang imbestigahan ang politically-motivated killings ng mga aktibista.

Nauna rito’y inihayag ni Guevarra na sisiyasatin ng AO 35 task force ang pagkamatay ng siyam na aktibista noong 7 Marso 2020 sa tinaguriang Bloody Sunday na nagresulta rin sa pagdakip sa ilang mga aktibista sa isinagawang sunod-sunod na paghahain ng search warrants sa iba’t ibang lugar sa Cavite, Laguna, Batangas at Rizal.

Mariing kinondena ng human rights groups ang anila’y illegal na pagsisilbi ng search warrants.

Sa kaso ni Asuncion, ang search warrant ay para sa kanyang bahay ngunit ipinatupad sa kanyang tanggapan.

Ayon sa mga testigo, walang naganap na paghahain ng search warrant para kay Asuncion at dinala umano siya ng mga pulis sa isang silid at pinatay taliwas sa sinabi ng mga awtoridad na siya’y nanlaban.

Kabilang rin sa pinatay sa Bloody Sunday ay mga lider mamamalakaya na sina Chai Lemita-Evangelista at Ariel Evangelista sa Batangas.

Nasaksihan umano ng kanilang 10-anyos anak kung paano sila kinaladkad ng mga awtoridad palabas ng cottage at dinala sa isang bahay, matapos nito’y umalingawngaw ang mga putok ng baril.

Idineklara silang dead on arrival sa isang pagamutan.

Sinabi ni Guevarra na tinatapos pa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso ng pagpatay sa mag-asawang Evangelista at ilalabas ang resulta sa susunod na dalawang linggo.

“In the case of the death of the Evangelista spouses, the NBI is winding up its interviews of witnesses, and the SIT report will be out in about two weeks,” aniya.

Umaarangkada rin aniya ang pagsisiyasat sa iba pang pagpatay sa Bloody Sunday ngunit ang pagpaslang kina Puroy dela Cruz at Randy dela Cruz ay hindi isinama dahil hindi ito cause-oriented connected. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …