Thursday , June 4 2026
Kim Chiu

Kim aliw ang pag-goodbye sa faceshield

HATAWAN!
ni Ed de Leon

NATAWA kami sa farewell message ni Kim Chiu sa kanyang face shield, na sinasabi niyang nakasama niya at nakaramay sa loob ng dalawang mahabang taon. Tayo man ay ganoon din. Para tayong nakalaya sa isang uri ng paninikil nang payagan tayong alisin na ang face shield. Hindi lang istorbo eh. Kung naka-salamin ka at naglalakad , malamang madapa ka pa kung hindi ka maingat, dahil naiiba ang paningin dahil sa face shield.

Iyang face shield, hindi lang pinagsimulan ng korapsiyon dahil sa deal ng Pharmally, ngayong nag-goodbye na tayo sa face shield isang malaking problema rin ang disposal niyan dahil plastic iyan. Hindi iyan mabubulok kung 100 taon lang. Sasama iyan sa lupa, at patuloy na magiging dahilan ng pollution.

Ang natuwa lang sa face shield, iyong mga “kumita ng malaki” dahil sa face shield, at take note sa Pilipinas lang ginamit iyang face shield. Kahit na China na roon ginagawa, hindi ipinagamit  sa karamihan. Pero kailangan pa rin daw iyan kung manonood ka ng sine.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …