Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Richard Yap, Heart Evangelista, Paolo Contis

Heart pinuri nina Richard at Paolo sa komportableng taping sa Sorsogon

Rated R
ni Rommel Gonzales

ALL praises sina I Left My Heart in Sorsogon leading men Richard Yap at Paolo Contis sa kanilang leading lady na si Queen of Creative Collaborations Heart Evangelista.

Malaking bahagi kasi si Heart sa pagiging masaya at komportable ng pagsu-shoot nila ng serye.

“Masaya ‘yung set namin. Again, it was a very nice surprise na ganoon ‘yung naging chemistry ng lahat. Wala kaming stage na nangapa, para sa akin. It was just all smooth. Hindi lang siya professional, naging magkakaibigan kami. Para sa akin, we have to thank Heart for that. To be honest, kasi siya ‘yung nagba-bind sa aming lahat,: pahayag ni Paolo.

Sang-ayon naman dito si Richard na first time makakatrabaho si Heart.

“She was very accepting and very open, very welcoming. Parang nawala na kaagad ‘yung tension na hindi kayo magkakakilala and then first time magkatrabaho kayo, medyo intimate scene kaagad. Doon pa lang, nakita ko na how good an actress and how good of a person Heart is. It was so easy right after that, all thanks to Heart,” lahad naman ni Richard.

Kinilig naman si Heart sa mga papuri ng kanyang leading men. Mas kinilig pa siya dahil maipakikita ng serye ang ganda ng Sorsogon.

“Sorsogon is like a hidden paradise. Honestly, maraming taong hindi pa nakararating sa Sorsogon. I’m so happy na GMA is giving them the spotlight,” aniya.

Abangan ang world premiere ng I Left My Heart in Sorsogon, November 15 pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …