Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alma Concepcion, Ruru Madrid

Alma Concepcion, naghahanda na para sa serye ni Ruru Madrid

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AMINADO si Alma Concepcion na pinaghahandaan na niya ang seryeng Lolong ng GMA-7 na pagbibidahan ni Ruru Madrid.

Ang iba pang magiging bahagi rin ng serye ay sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Bembol Roco, Malou de Guzman, at iba pa.

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ni Ms. Alma kung anong atake ang gagawin sa gagampanang papel sa naturang serye ng Kapuso Network.

Pahayag ni Ms. Alma, “Bale, panay ang nood ko ng mga iba’t ibang klaseng mga… secret pa kasi iyong role ko, e. So, nagre-research ako ng iba’t ibang klase ng tao at tina-try kong intindihin kung ano ‘yong nangyayari sa kanila.

“Kasi ayaw ko namang mag-offer ng stereotypical na atake ng papel na naitoka sa akin. Gusto ko munang makakita ang iba’t ibang klase ng ganoong role bago ako mamili kung ano ang magugustuhan ko na akma sa aking gagampanan sa serye.”

Nakangiting dagdag pa ni Ms. Alma, “Bawal pa kasing i-reveal, kaya hindi pa puwedeng i-share ‘yung ibang mga info, until mag-start ang Lolong… sa month of May pa kasi ang target iere ang Lolong, para may elements of surprise, hahaha!”

Ayon sa former beauty queen, excited na siya sa gagawing serye dahil matagal na rin siyang hindi sumasabak sa ganito.

“Excited na nga ako! First serye ko kasi ito during pandemic. Iyong mga iba, mga one day lang na taping, e.  So, standby lang ako muna this November,” nakangiting saad ng aktres.

Excited na rin ba siyang makatrabaho si Ruru? “Siyempre naman, part si Ruru ng Beautederm family, e, hehehe. Plus, isa pa sa co-ambassador ng Beautederm na nandito ay si Boyet de Leon,” masayang saad ni Ms. Alma.

Ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang itinuturing ni Ms. Alma na mentor at inspi­rasyon sa pagiging business­woman.

Ang Beautéderm store ng aktres ay located sa G/F Colonial residences 59 Xavierville Ave., Loyola Heights Quezon City. Beside Royal Condo, near EastWest bank or Waze/Google Maps Queen Alma by Beautederm.             

Sa mga interesado, paki-pm lang po sa FB QUEEN ALMA BEAUTEDERM.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Unang Hirit

Isang linggong sorpresa inihatid ng UH

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGANG mga sorpresa ang hatid ng Unang Hirit para sa masayang week-long anniversary …

Odette Khan Bar Boys 2, After School

Ms Odette Khan binigyan bonggang pagpapahalaga sa Bar Boys 2

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAIYAK kami sa tila mala-tribute na pag-welcome kay Ms Odette Khan ng buong …

Rabin Angeles Angela Muji

Rabin sobrang na-challenge sa lauching movie

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA talaga ang Viva Entertainment dahil sa pagpasok pa lang ng 2026, heto …

Rabin Angeles Angela Muji Crisanto Aquino

Rabin inamin matagal nang crush si Angela, A Werewolf Boy binago ang ending

NAKAGUGULAT ang tinuran ni Rabin Angeles nang amining bata pa man siya’y crush na niya ang ka-loveteam …

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …