Tuesday , May 6 2025
Alan Peter Cayetano

Stop, look and listen
MGA KANDIDATO BUSISIING MABUTI

BULABUGIN
ni Jerry Yap

DALAWANG linggo na lang at maisasapinal na kung sino-sino ang mga bubuong national candidates ng iba’t ibang partidong politikal na lalahok sa 2022 election. Hanggang ngayon kasi may mga line-up na butas pa rin at hindi pa fully filled-up ng mga kandidato. Samantala mayroon din namang mga kandidatong piniling tumakbo bilang mga independent candidate.

Isa na rito si dating Speaker Alan Peter Cayetano na BTS pa rin kahit aalimbuyog siya ng ibang posisyon para sa 2022 elections. BTS dahil Balik Tayong Senado ang peg ngayon ni Cayetano. Sa estado ngayon ng ating political landscape, mas maigi ngang maging independent na lang dahil madiwara ang linyahan ng mga senador ng mga partido politikal.

May mga hindi tayo inaakalang magkakasama ngayon sa mga senatorial line-up na dati ay magkakaaway at magkakaiba ng paniniwala at direksiyon. May mga pagkakataon sa buhay na kailangan nating ipaglaban ang ating sariling paninindigan kaysa maging parte ng mga hakbang para lang sa iyong political interest.

Kung tutuusin walang kahirap-hirap niyang makukuhang muli ang kanyang posisyon bilang kongresista sa katunayan nga dalawang presidential candidates na ang nangako sa kanyang muling maging Speaker of the House. Ngunit nanaig sa kanya na bumalik sa senado para ipagpatuloy ang kanyang pagiging fiscalizer at mas makatulong para sa pag-ahon ng bansa sa dagok na idinulot ng pandemyang CoVid-19.

Hindi na rin nagdalawang isip ang dating speaker na talikuran ang panawagan ng iba’t ibang religious at sectoral groups na tumakbo bilang pangulo dahil lalo lang magkakawatak-watak ang sitwasyon sa bansa.

Kaya nga naisip ni Cayetano, tumakbo bilang independent dahil gusto niyang makita ang kilos at galaw ng mga partido politikal kung paano nila ihahain ang kanilang mga programa sa taongbayan at kung ano-ano ang mga programang ito na makatutulong sa kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa.

‘Ika nga, “stop, look and listen’” ang dapat ginagawa ngayon lalo ng mga botante. Panawagan ni Cayetano, isantabi muna ng bawat isa kung anong kulay ang iboboto nila. Dapat ay magmuni-muni muna, pag-aralan at tingnang mabuti ang mga kandidato kung ano ang kanilang mga plataporma de gobyerno. Kailangang makinig mabuti ang mga tao sa mga sinasabi ng mga kandidato na kaya nilang gawin para sa taongbayan lalo ang kanilang mga kahinaan.

Kaya nga aminado si Cayetano na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang napipisil na susuportahang presidential at vice-presidential candidates sa pag-asang mailatag niya ang kanyang five-year economic development plan bago siya mamili ng susuportahan.

Sa ngayon, tatlong bagay ang tinitingnan ni Cayetano sa  paghahanap ng kanyang presidential at vice-presidential bet. Una na rito ay ang values ng bawat isa lalo ang may matapang na paninindigan laban sa e-sabong, ang kasagutan sa kanyang five-year economic development plan, at kung ano ang kanilang tatahaking landas kapag iniharap sa kanila ang pagbibigay ng P10K ayuda sa mga iginupo ng pandemya.

Pangako ni Cayetano, kung papalarin siyang makabalik sa senado, itutuloy niya ang paghahain ng P10K Ayuda Bill, bitbit ang paniniwala na kailangan itong gawin ng gobyerno sa loob ng tatlo hanggang limang taon. Sa katunayan, kinakausap na niya ang ibang kandidatong senador at incumbent senators na suportahan ang P10K Ayuda Bill dahil kailangan ng taongbayan na makaahon mula sa paghihirap na idinulot ng pandemya.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

050525 Hataw Frontpage

Sa kanyang adbokasiyang pro-barangay  
MARCOLETA SUPORTADO NG BARANGAY LEADERS

NAGPAHAYAG nang buong suporta ang mga opisyal ng barangay mula sa iba’t ibang panig ng …

050525 Hataw Frontpage

Patok si Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

HATAW News Team UMANI ng hiyawan at sigawan si Brian Poe, unang nominado ng FPJ …

Sa NAIA Terminal 1 5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

Sa NAIA Terminal 1
5-anyos anak ng paalis na OFW, 1 pa, patay sa araro ng SUV

PATAY ang isang 5-anyos anak na babae ng paalis na overseas Filipino worker (OFW) at …

Marikina Federation of Public School Teachers

‘Mga guro kami at ‘di kasangkapan ng politika’ — Marikina Federation of Public School Teachers

MARIIN naming kinokondena ang iresponsableng ulat na lumabas sa isang news website na gumamit ng …