Saturday , April 26 2025
231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan

231 bagong recruits sa PRO3 PNP nanumpa sa katungkulan

PINANGASIWAAN ni PRO3 PNP Regional Director P/BGen. Valeriano De Leon ang panunumpa sa katungkulan ng mga bagong kaanib ng Philippine National Police kasunod ng pagpapakilala ni P/Col. Joyce Patrick Sangalang, hepe ng Regional Personnel and Records Management Division, nitong Biyernes ng umaga, 22 Oktubre, sa  PRO3 Grandstand, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Pupunuin ng 231 matatagumpay na aplikante ang mga puwang para sa Patrolman Attrition Quota para sa CY 2021 upang madagdagan ang kapangyarihan ng pulisya, mapagbuti ang police-to-population ratio, pag­butihin ang police visibility program at anti-insurgency operation ng PNP.

Pinili ang mga bagong police personnel matapos ang mahigpit na proseso ng pagsala na isinagawa ng Regional Screening Committee on Recruitment na pinamunuan ni P/BGen. Narciso Domingo, PRO3 Deputy Regional Director for Administration. 

Matapos ang sere­monya ng panunumpa, sasaailalim ang mga bagong kaanib sa karag­dagang isang taon pag­sasanay sa Regional Training School 3 sa bayan ng Magalang, Pampanga.

“Bilang mga bagong pulis, magsumikap kayo na maging instrumento ng pagbabago at katuparan ng mga mithiin ng PNP. Huwag ninyong sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa inyo at lagi ninyong alalahanin na marami ang ipinatawag upang umanib, ngunit kayo ang pinalad na mahirang. Namnamin ninyo ang inyong training at sandaling panahon lang na mawawalay kayo sa inyong pamilya. Sila ang gawin ninyong inspirasyon. Tandaan ninyo, malaki ang inyong gagampanang tungkulin sa patuloy na pagbuo ng isang huwarang pambansang pulisya na kinabibilangan ng mara­rangal, mga propesyonal, at matatapat na mga miyembro nito at isa kayo sa magiging bahagi ng mga pangarap na ito,” pahayag ni P/BGen. De Leon.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Comelec Money Batangas

P273-M ayuda ng Batangas ipinahinto ng Comelec

IPINAHINTO ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatupad ng iba’t ibang financial assistance na umaabot …

Vote Buying

Moreno, Versoza, 7 pa, pinagpapaliwanag ng Comelec sa ‘pagbili’ ng boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) sina Manila mayoral candidates Francisco “Isko Moreno” Domagoso at …

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

Carlo Aguilar, nais magtatag ng local pension fund para sa Senior Citizens ng Las Piñas

IMINUMUNGKAHI ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas City, ang paglikha ng isang …

Manny Pacquiao

Sa latest survey pabalik sa Senado
Pacquiao nangako, laban tuloy para sa mahihirap

DASMARIÑAS, CAVITE – Binasag ni Boxing legend at Senatorial bet Manny Pacquiao ang kanyang pananahimik …

Vote Buying

Isko Moreno, pinagpapaliwanag ng Comelec sa pagbili ng mga boto

SINITA ng Commission on Elections (Comelec) si mayoral bet Isko Moreno kaugnay ng vote-buying o …