Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia, Ivana Alawi

Joshua natameme/nahiya sa ibinulgar ni Ivana

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NANGITI kami nang hindi agad nakasagot si Joshua Garcia nang matanong ukol sa isiniwalat ni Ivana Alawi na crush niya ang aktor at nagpapalitan sila ng mga mensahe sa social media sa pamamagitan ng DM (direct messages). ‘Ika nga ng ibang kapatid sa panulat, natameme yata ang batang Batangueno, hehe. Sukat ba namang parang batang nagtakip pa ng mukha.  

Nangyari ito sa virtual media conference ng bagong series na Viral Scandal ng ABS-CBN.

Ani Joshua, “Kapag may humahanga sa akin, nakakadagdag ng confidence ‘yun para sa lalaki.

“Di ko alam reaction ko,” nakangiting dagdag pa nito. At biglang nagpasalamat sa aktres sa ginawang pag-amin at sinabing napanood niya ang interbyu.

“Siyempre thank you kasi na-appreciate ‘yung work kong ginagawa, ‘yung pag-arte. Base sa narinig ko, na-appreciate niya ‘yung acting, so thankful. Very thankful ako as an actor. Maraming salamat,” sambit pa niya.

“I’m open maging kaibigan, okay lang sa akin,” sambit pa ng binata.

Inamin kamakailan ni Ivana sa interbyu sa kanya ni Ogie Diaz na nacu-cute-an siya kay Joshua. Sinabi rin nitong nagkakapalitan sila ng mensahe sa pamamagitan ng DM. Ang kapatid ni Ivana ang nagbunyag na crush ng kanyang Ate Ivana si Joshua.

Samantala, iikot sa mga kuwento sa likod ng isang video scandal ang pinakabagong serye ng ABS-CBN Entertainment na bukod kay Joshua ay makakasama rin sina Charlie Dizon, Dimples Romana, Jake Cuenca, at Joshua Garcia.

Si Kyle si Joshua sa serye na protector ni Rica na nasangkot sa isang viral video. 

Makakakasama rin sa Viral Scandal sina Jameson Blake, Markus Patterson, Ria Atayde, Maxene Magalona, Aljon Mendoza, Karina Bautista, Louise Abuel, Kaila Estrada,Vance Larena, Gian Magdangal, Arielle Roces, at Aya Fernandez. Abangan ito sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC IPTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …