Monday , December 23 2024
Bayaning Tsuper, BTS, Cebu City PWDs

Handog ng Bayaning Tsuper (BTS): Libreng service vehicle para sa Cebu City PWDs

ILANG araw matapos maghain ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa eleksiyon sa Mayo 2022, bumiyahe ang Bayaning Tsuper (BTS) party-list sa lungsod ng Cebu, tinaguriang Queen City of the South, upang maghandog ng service vehicle para sa persons with disabilities (PWD).

Dala ang adbokasiyang road safety governance and education sa bansa, kakatawanin sa Kongreso ng BTS party-list ang mga manggagawa sa industriya ng transportasyon.

Pahayag ni Atty. Aminola “Alex” Abaton, ang first nominee ng Bayaning Tsuper, nais nilang magkaroon ng puwesto sa Kongreso upang matugunan ang mga isyu ng kaligtasan sa kalsada.

Nais din tumulong ng naturang party-list sa mga natatanging sektor sa lipunan, partikular ang mga PWD, kaya nauna na silang naghatid ng service vehicle para sa mga PWD sa lungsod ng Cebu na kanilang magagamit nang libre.

Susuweldohan ng BTS party-list ang mga driver na kanilang makukuhang magmaneho ng PWD service vehicle.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga PWD na nagnanais sumakay sa libreng sasakyan sa kanilang pederasyon at organisasyon para sa iskedyul.

Nakipagpulong si Atty. Abaton kay Joseph Jumantoc, pangulo ng Regional Federation of PWDs sa Cebu upang pormal na maihandog ang sasakyang libreng magagamit ng mga PWD.

Nitong Martes, 12 Oktubre, nakipagpulong din si Atty. Abaton sa ilang mga kapitan ng mga barangay sa lungsod upang pag-usapan ang posibleng pakikitulungan ng mga barangay at ng BTS.

Ani Abaton, ngayon ang tamang panahon upang matugunan ang mga matagal nang suliranin sa bansa gaya ng mga aksidenteng nagaganap sa mga kalsada.

“In fact we lack the infrastructure, we lack a concrete policy at that. So we believe that Bayaning Tsuper, if given a chance can represent this kind of advocacy sa ating kongreso na masasabi nating pakikinabangan ng ating mga kababayan,” dagdag na pahayag ni Atty. Abaton.

Itinatag ang BTS noong Hunyo 2019 na unang kinabilangan ng mga miyembrong nagtataguyod ng kaligtasan sa kalsada.

Inilarawan ng dating regional director ng Land Transportation Office (LTO) Western Mindanao ang isyu ng mga aksidente sa kalsada bilang ‘pandemya’ sa bansa bago pa dumating ang CoVid-19.

Ayon sa datos noong 2019, may kabuuang 12,876 namatay sa bansa dahil sa mga aksidente sa kalsada, na may average 32 hanggang 34 tao kada araw.

Bukod sa gagawing institusyonal ang kaligtasan sa kalsada, nilalayon din ng party-list na isabatas ang road safety education na isasama sa curriculum ng Department of Education (DepEd).

“Tamang edukasyon pagdating dito sa batas trapiko or anything that relates to road safety will lead to promotion of culture on traffic discipline.”

Tutulong din ang BTS na gawing legal ang mga motorcycle taxi sa bansa o mga ‘habal-habal.’

Inulit ni Atty. Abaton, hindi lamang alternatibong paraan ng transporasyon ang “habal-habal” sa mga liblib na lugar ngunit ito rin ay pinagkukuhaan ng pagkakakitaan at kabuhayan.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …