Thursday , December 19 2024
Madam Inutz, Daisy Lopez, Wilbert Tolentino

Wilbert Tolentino, bilib sa mala-Aegis at Up Dharma down na boses ni Madam Inutz

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGING tulay si Wilbert Tolentino sa pagiging recording artist ng social media sensation na si Madam Inutz o Daisy Lopez. Ito’y via her debut single na pinamagatang Inutil.

Si Wilbert na kilalang social media influencer, former Mr. Gay World titlist, businessman, at philanthropist ay mistulang nagsilbing anghel na gumabay kay madam Inutz para maisakatuparan ito.

Nagpahayag ng pagkabilib si Wilbert o Kuya Wil sa talent ni Madam Inutz. Aniya, “Meron siyang unique na raspy voice. Bagay sa kanya ang mga Novelty, Rap, Hiphop, Rock, lalong-lalo ang mga Tunog Kalye. Bagay sa kanya ang mga estilo nina Sampaguita, Aegis, o Up Dharma Down.

“Mabilis niyang natutuhan ang mga melody ng kanta at kaya niyang baguhin ang atake ayon sa kanyang style. Sobrang professional at walang reklamo sa oras, kahit inaabot ng madaling araw sa pag-shoot ng music video.”

Paano niya ide-describe ang kanta? “Ang kanta na ito ay introduction ng buhay niya bilang isang Madam Inutz. Kung sino ba siya at paano siya nagsimula,” wika pa ng very generous na si Sir Wil.

Bakit iyan ang naisipan niyang maging single ni Madam Inutz? “Kasi pasok sa pagkatao niya at sa kanyang boses at higit sa lahat, pangmasa. Madaling sayawin, madaling kantahin plus, mahalaga na catchy talaga ang song.”

Saang music streaming apps & platforms mapapakinggan ang kantang Inutil? “Sa Spotify, Apple Music, Amazon Music, Deezer, Tidal, Vevo, Tiktok, YouTube Music, Beatport, Instagram, Snapchat, Twitch, Shazam, iTunes, Facebook, iTunesRadio, etc.,” lahad pa ni Wilbert.

Aminado si Madam Inutz na mula sa kanyang pag-uukay-ukay, sa tulong ni Wilbert ay naging ganap na siyang recording artist.

Ano ang preparasyon niya sa pagre-record ng kanyang debut single?

Tugon ni Madam Inutz, “Pinag-aralan ko muna ang tema ng lyrics. Sinuri kong mabuti bawat linya, kung sa tingin ko’y aangkop sa aking pagkatao. Tapos, pinakinggan ko ang melody sa demo nang paulit-ulit. Hanggang makabisado ko.

Ilang araw din akong hindi uminom ng malamig na tubig at binawasan ang pagsigaw sa online selling para makondisyon ang boses ko. Dahil ang kanta ay may kaunting pagsigaw at kailangan ng energy.

“Hindi naman ako nahirapan sa kanta dahil sa umpisa pa lang, naisaulo ko na ito, umabot lang kami nang mahigit dalawang oras sa recording,” wika pa niya.

Ano ang magsasabi niya kay sir Wilbert na binigyan siya ng bagong career bilang singer? “Laking pasasalamat ko sa pagkakataong ibinigay sa akin na magkaroon ng debut single sa edad kong ito, hahahaha! Sa dinami-dami ng mga mas bata sa akin na nangangarap maging isang recording artist at may sariling music video, ako pa ang napili ng tadhana. Sa tulong ito ng aking one and only manager na si Sir Wilbert,” masayang saad ni madam Inutz.

Ayon naman composer nitong si Ryan Soto, tiniyak niya kung anong genre ang babagay sa boses ni Madam Inutz and since nakilala ito sa mga famous catchphrases sa kanyang pag-o-online selling tulad ng salitang INUTIL, GUNGGONG, OH JIIIEVA at marami pang iba, kaya naisip ni Ryan na gamitin ang salitang INUTIL para ito ang maging introduction song ni Madam Inutz bilang pagpapakilala sa sarili as a recording artist. Doon umikot ang iba pang lyrics hango sa kanyang naging buhay sa pag-o-online selling, nakaranas siya ng mga pagsubok sa pagtitinda na halos walang bumibili sa kanya, kung di magtambay lang sa live niya para manood.

Aminado rin si Madam Inutz na hindi sumagi sa isip niya na magiging recording artist siya. “No, hindi! Sa totoo lang, hindi sumagi sa isip ko na sisikat sa pagmumura online. Kasi ang alam ko lang, magtinda ng ukay-ukay online para lang may pambayad sa upa at panggamot sa nanay ko na na-stroke at five years nang bedridden. Pero may dumating na anghel sa buhay ko at binigyan ako ng opportunity na maging singer at recording artist. Siyempre, hindi ko tatanggihan ang grasyang ito.”

        Ano pa ang mga plano at projects ni sir Wil kay Madam Inutz?

“Dahil masunurin si Madam Inutz at hindi naging pasaway, nakikinig siya sa mga advices at instructions para sa ikabubuti ng lahat, sa loob man o labas ng showbiz… gusto kong maging Brand Ambassador ng mga online sellers si Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz. Gusto ko siyang maging negosyante at turuan ng entrepreneurship para umusbong ang kanyang online business. Bukod sa pagiging recording artist, siyempre gusto ko rin na siya’y maging expose sa showbiz at ma-experience ang pag-aartista. Higit sa lahat, maging successful at sikat na vlogger!”

Para sa Inquiries and product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL/ 09175468845 or Email sa [email protected]

About Nonie Nicasio

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …