Monday , November 25 2024
Liangga District Jail, Surigao del Sur

4 preso nagtangkang tumakas sa Liangga District Jail bulagta

KAMATAYAN anginabot ng apat na preso, kabilang sa 11 inmates na nagtangkang tumak­as, habang isang jail guard ng Bureau of Jail Management and Penology personnel (BJMP) ang sugatan sa Liangga District Jail, sa Surigao del Sur nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay BJMP spokesperson Jail Chief Inspector Xavier Solda, dakong 6:50 am, kahapon, 26 Setyembre, nang maganap ang insidente sa nasabing piitan.

Sa inisyal na report, naghahanda na upang maghain ng almusal ang mga duty personnel nang sunggaban ng 11 preso ang isa sa mga jailguard na noon ay magbubukas ng gate ng selda para ipasok ang kanilang pagkain.

“Na-overpower nila ‘yung duty (jailguard) na nagbubukas ng gate ng selda at nagawa nilang makalapit sa secondary gate. ‘Yung duty natin sa secondary gate ay nagawa pang mag-warning shot subalit dahil na rin sa bilis ng mga pangyayari at dami ng sumugod sa kaniya, maging siya ay na-overpower din at naagaw ang baril nito,” pahayag ni Solda.

Agad nagresponde ang iba pang duty personnel na nagresulta sa palitan ng putok, hanggang apat na preso ang bumulagta.

Sugatan naman ang isang personnel sa saksak ng improvised bladed weapon nang maki­pambuno sa grupo ng mga papatakas na preso.

Ang mga napatay na inmates (hindi pa pina­nga­lanan) ay hinihinalang miyembro ng communist terrorist group na New People’s Army (NPA) na nagawang makombinsi ang iba pang kapwa bilanggo upang isagawa ang pagtakas.

“Nalulungkot man kami sa pangyayari, mag­silbi sana itong babala sa ating mga PDL na nais gumawa ng pani­bagong paglabag sa batas,” ayon kay Solda.

“Ganoon pa man, hindi kami matitinag sa pagtupad ng aming tungkulin. Mag­baban­tay pa rin kaming ma­buti sa aming pasilidad at magsisilbi kami sa ating mga PDL sa abot ng aming makakaya upang matulungan natin sila sa kanilang pagbabagong buhay,” dagdag ng opisyal ng BJMP.

Samantala, agad ipinag-utos ni BJMP chief, Jail Director Allan Iral ang pagsasagawa ng malalimang imbes­tigasyon kaugnay sa insidente, kasabay ng paglalagay sa red alert status ng buong BJMP CARAGA. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

PNP PRO3 Solar-powered blinker police outposts stations

Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations

SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico …

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *