Friday , May 9 2025
face to face classes School

Limited f2f classes, aprub sa Palasyo (Kinder hanggang Grade 3 pupils eksperimento)

PINAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdaraos ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na mababa ang kaso ng CoVid-19.

Inihayag ito kahapon nina Presidential Spokesman Harry Roque at Education Secretary Leonor Briones.

Ayon kay Roque, ang mga naturang erya ay tutukuyin ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) at ang in-person classes ay idaraos araw-araw kundi “half a day every other week.”

“Kailangan may suporta ng local government units sa pamamagitan ng resolution o letter of support at kinakailangan po mayroong written support and consent ng mga magulang,” sabi ni Roque sa Malacañang virtual press briefing.

Ikinagalak ni Briones ang pagpapahintulot ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ng 11am face-to-face classes.

“This is wonderful, this is a great day tungkol sa edukasyon dito sa ating bansa.”

Batay aniya sa aprobadong guidelines, ang Kindergarten ay magkakaroon ng 12 mag-aaral habang ang Grade 1 to 3 classes ay may 16 estudyante.

Ang technical vocation classes ay puwedeng magkaroon ng hanggang 20 estudyante. Ito ay para magkaroon aniya ng space for distancing sa loob ng silid-aralan.

Ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 3 ay hanggang tatlong oras ang pinakamatagal.

Aabot lamang aniya sa 100 public schools at 20 private schools ang saklaw ng limitadong face-to-face classes.

“Kailangan papasa sa Department of Education kung saan tayo mag-hold ng face-to-face classes,” sabi ni Briones kasabay nang pagkatig sa naunang pahayag ni Roque na kailangan din ng basbas ng lokal na pamahalaan.

“Kung safe ang pilot and it is effective then we will gradually increase. Pero ang mahalaga dito bantayan natin kung ano ang risk assessment. Pag may pagbabago sa risk assessment then talagang titigilan natin,” ani Briones.

Hindi aniya magiging requirement na bakunado ang mga guro at school officials dahil karamihan sa kanila’y ‘fully vaccinated’ na sa kani-kanilang lugar.

Kaugnay nito, welcome sa Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang limited face-to-face classes upang maging mas maayos ang pagkakamit ng edukasyon sa panahon ng pandemya.

Nanawagan ang ACT sa administrasyong Duterte na tiyaking maisasakatuparan sa lahat ng mga lalahok na paaralan ang pagkakaroon ng health facilities gaya ng sapat na palikuran, handwashing facilities, school clinic at iba pa.

Dapat din anilang mag-empleyo ang mga paaralan ng health at sanitation personnel, magsagawa ng health check at mass testing sa lahat ng education workers at mag-aaral na lalahok sa face-to-face classes.

Kailangan din maglaan ng libreng medical supplies at personal protective equipment at tiyakin ang ligtas na mode of transportation.

Magpatupad ng health protocols gaya ng class size na may maximum na 15 students, rotation of face-to-face class schedules, regular disinfection of school premises, practice of social distancing and wearing of face masks.

“Similarly, as these schools will implement blended modes of learning, the government must ensure that the needs of the different distance learning modalities employed in the locality are provided sufficiently and in a timely manner—the most basic and most widely used among these is the self-learning modules which should meet the standard of 1:1 student to module ratio,” anang ACT sa isang kalatas.

“DepEd and the rest of the Duterte government shall ensure that these needs are met in order for the two-month pilot run of limited face-to-face classes to be successful. The results of which shall allow the government to complete its roadmap towards the eventual safe reopening of schools across the country, while it simultaneously improves its medical and socio-economic responses to the pandemic.” (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

arrest, posas, fingerprints

Dayuhan nagpanggap na cosmetic surgeon nasakote sa QC

ARESTADO ang isang Vietnamese national na nagpanggap bilang cosmetic surgeon at nagpapatakbo ng isang aesthetic …

Dead Road Accident

Sa Iloilo
JEEP TUMAOB 9 SUGATAN

SUGATAN ang siyam katao nang tumaob ang isang pampasaherong jeep sa bayan ng Leon, sa …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Higit 12,000 pulis sa Gitnang Luzon nakatalaga para sa Eleksiyon 2025

MAHIGIT 12,000 pulis mula sa Police Regional Office 3 (PRO3) ang kasalukuyang naka-deploy na sa …

cyber libel Computer Posas Court

Sa Bulacan  
2 Chinese nationals tiklo sa cybercrime

PINAIGTING ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon laban sa cybercrime sa buong …

Bong Revilla Jr

INC inendoso si Bong Revilla

NAGPASALAMAT si Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., nitong Huwebes, 8 Mayo, sa  Iglesia Ni Cristo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *