Rated R
ni Rommel Gonzales
WALANG ibang hangarin ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairwoman na si Liza Diño-Seguerra kung hindi ang muling mabuksan ang mga sinehan.
Sa ngayon kasi ay hindi pa bukas ang mga sinehan dito sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19. Pero naniniwala si Chair Liza na sa nalalapit na panahon ay mae-enjoy na nating muli ang panonood sa loob mismo ng sinehan na lahat ng manonood ay ligtas at protektado mula sa bangis ng COVID-19 at mga variant nito.
Ibang-iba rin naman kasi talaga ang pakiramdam kapag sa sinehan mismo nanonood ng pelikula, malayong-malayo sa panonood online sa computer o telepono.
Patuloy ang pakikipag-meeting ni Liza sa IATF o Inter-Agency Task Force para masolusyonan agad-agad ito dahil maraming mamamayan, kabilang na kami, ang nananabik na muling makapasok sa loob ng sinehan.
Sa pagkakaalam namin, sa ilang mga bansa, bukas na ang sinehan sa mga taong fully vaccinated na. Rito sa atin, abang-abang tayo kung paano isasakatuparan ito.
Samantala, ipinagdiriwang ng FDCP ang pinakaunang Philippine Film Industry Month. With the theme, Ngayon Ang Bagong Sinemula, isang buwan itong ipagdiriwang ng FDCP para i-celebrate at i-commemorate ang heritage, significance, at legacy ng Philippine Cinema at para highlight ang invaluable contribution at sacrifices ng lahat ng stakeholders at sectors ng Philippine film industry ngayong September bilang mandated ni President Rodrigo Duterte sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1085.
Kaya para sa lahat ng film workers at fans, let us celebrate this month by supporting exciting events, special screenings, and programs prepared by FDCP as the lead agency in observing this inaugural celebration in the film industry.