Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marco Gallo
Marco Gallo

Marco iniwan ang negosyo, project sa Viva sunod-sunod

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAGBABALIK ang tinaguriang Pandemic Director sa isang romantic comedy film handog ng Viva Films, ang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso na magtatanggal sa pagkabagot ninyo. Tampok sa pinakabagong handog ni Direk Darryl Yap angpelikulang pinagbibidahan nina Aubrey Caraan at Marco Gallo.

Ang Mananaggal Na Nahahati Ang Puso ay ukol sa isang college student na si Giuseppe (Marco) na pumunta sa isang liblib na barrio para sa kanyang thesis –aswang. Makikilala ni Giuseppe ang isang kakaibang taga-baryo na si Giniper (Aubrey), na tutulungan siyang matapos ang thesis. Hindi lang tungkol sa mga aswang ang madidiskubre ni Giuseppe sa baryo, dahil maraming kamangha-manghang bagay ang kanyang madidiskubre at mga tao na makikilala. 

Kasama rin sa pelikula ang mga komedyante at viral YouTubers na sina Chad KinisLassy Marquez, at MC Calaquian o mas kilala bilang Beks Batallion, bilang sina Gudong, Gingging, at Gimo, at si Teresa Loyzaga naman bilang si Guinta. 

Kabilang din sa cast ang dalawang batikang actor na sina Gina Pareño at Johnny Revilla para sa kanilang special roles.

Sa gitna ng pandemya at mga lockdown sa maraming lugar, binuksan ng Siquijor ang kanilang pinto sa production ng pelikula, at nakuha nila ang kakaiba at nakabibighaning ganda ng buong isla ng Siquijor. Kaya naman teaser trailer pa lang ay marami nang excited na mapanood ito.

Samantala, ‘di naman makapaniwala si Marco na sunod-sunod ang kanyang assignment sa Viva. Pagkatapos kasing ipareha siya kay Julia Barretto, heto’t isang pelikula naman ang pagbibidahan niya kasama si Aubrey.

Bukod dito, pawang naglalakihang role pa ang ipinagkakatiwala sa kanya.

Aniya, “I’m so happy that Viva trusted me to be the leading man of Aubrey Caraan in this movie. I really feel so fortunate kasi after I did a supporting role kay Ella Cruz in the movie ‘Gluta’, heto at bida na ako agad in ‘Manananggal’.”

At kung ang iba’y walang movie o TV assignment, si Marco ay pinagpala sa dami ng trabaho. Kaya nga kinailangan niyang iwan ang negosyo nila ng kanyang non-showbiz girlfriend, ang online at delivery business nang ipatawag siya ng Viva para sa acting assignment.

“Yes, I feel good that despite the pandemic, I have plenty of work and I hope it stays like this because I’m enjoying it. In a way, the pandemic, no matter how difficult what we are going through is, has helped me become a more mature and a much better person,” sambit ni Marco.

 Kaya ‘wag palalampasin sa October 1 ang Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Malaysia, Singapore, Japan, Middle East, at Europe. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net. Mag-download na rin ng app at mag-subscribe via Google Play Store, App Store at Huawei AppGallery.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …