Saturday , April 26 2025
Oscar de La Hoya, covid-19
Oscar de La Hoya, covid-19

Oscar de La Hoya positibo sa Covid-19

UMATRAS na  si Boxing Hall of Famer Oscar De La Hoya sa kanyang laban sa Setyembre 11 nang magpositibo siya sa Covid-19 test.

Si De La Hoya, 47, kinumpirma ang orihinal na report galing sa TMZ nung biyernes nang mag-post siya ng video sa social media mula sa kinaro­roonang ospital bed. 

Isinulat ni Golden Boy sa kanyang Twitter na fully vaccinated siya at nakatakdang harapin ang dating UFC champion Vitor Belfort nsa isang 8th-round bout  (dalawang minuto kada round) sa main event ng Triller Fight club pay-per-view sa Staples Center sa Los Angeles.

“I mean, what are the chances of me getting COVID,” dismayadong sabi ni De La Hoya sa video. “I have been taking care of myself. This really, really kicked my ass.”

Ayon kay Triller’s Ryan Kavanaugh, naghahanap na sila ngayon ng kapalit ni De La Hoya na posibleng mapili si dating four-time heavyweight champion na 59-year-old na si Evander Holyfield.

Kailangan ng pagsang-ayon mula sa  California State Athletic Commission kung papayagan si Evander na harapin ang 44-year-old Belfort. (1-0 in boxing, 26-14 sa MMA).  Pero ayon na rin  kay Kavanaugh, posibleng ilipat na lang ng state ang laban kung ganun ang mangyayari.  Ang Florida ang pangu­nahing state na puwedeng paglipatan ng bakbakan.

Si De La Hoya (39-6, 30 KOs) ay nanalo ng maraming world titles sa limang weight divisions sa kanyang 16-year bilang pro.   Kung kaya naging biggest draw ang Olympic gold medalist sa boksing.  

Nagretiro siya laban nang matalo siya kay Manny Pacquiao noong 2008.

“I am currently in the hospital getting treatment and am confident I will be back in the ring before the year is up,” Isinulat ni De  La Hoya sa  Twitter. “God bless everyone and stay safe.”

Orihinal na makaka­rap ni Belfort si De La Hoya sa isang contracted weight na 185 pounds, lumaban siya sa mataas na level sa sa tatlong divisions mula middle­weight hanggang heavy­weight sa MMA.  Ang native ng Brazil ay may isang panalo sa boxing match noong 2006 at huling lumaban sa MMA nang patulugin siya ni Lyoto  Machida sa UFC 224 noong 2018.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *