Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

IBC-13 execs deadma sa COA
ILLEGAL WAGE HIKE ITINULOY

ni ROSE NOVENARIO

TUMATANGGAP ng mahigit P51,000 ‘ilegal’ na umento sa sahod kada buwan ang president at chief executive officer ng state-run IBC-13 mula pa noong 2019 sa kabila ng 13 taon nang hindi nakatitikim ng wage hike ang rank and file employees.

Nabatid sa 2020 COA report, bukod sa President at CEO, nakapaloob sa basic pay ang illegal wage hike kada buwan ng OIC President and CEO na P27,049: ang On Air and Traffic Manager na P24,129; Internal Audit Manager na P22,819; Finance dep’t manager na P22,461; Production Manager na P18,546; at Engineering Manager na P16,657, sa isang taon ay may kabu­uang halos P2 milyon.

Ibig sabihin, sa bawat buwan, ang suma total na inilalabas sa pondo ng IBC-13 para sa ‘illegal wage hike’ ay P182,725, katumbas ng isang taon at tatlong buwan suweldo ng isang rank and file employee na may sahod na P12,000 kada buwan.

Anang COA, mula noong 2019 ay pinag­sabihan ang IBC-13 management na walang approval ng Office of the President ang tinatang­gap na wage hike ng kanilang mga opisyal at kung walang basbas na makuha ay kailangan ibalik ito sa kaban ng bayan.

Pinuna rin ng COA ang kostumbre ng IBC-13 sa personal bank account ng Finance manager ipinadedeposito ang bayad ng mga kliyente kahit may minaman­tinang account sa tatlong banko ang state-run TV network.

Ginagawa umano ito ng IBC-13 management upang umiwas sa garnishment ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil may pagkaka­utang na net value-added tax (VAT) na P114.706 milyon at witholding tax na P44.146 milyon.

Muling inirekomenda ng state auditors ang pagpapawalang bisa sa pinasok na joint venture agreement ng IBC-13 sa R-II Builders Inc., noong Marso 2010 dahil contract of sale ang kinalabasan ng JVA nang amyendahan ito noong 2016.

Noon pang 2018 COA report ay nakasaad ang bentahan ng 36,103 square meters na lupain ng IBC-13 sa R-II Builders imbes “sharing of net revenues in a residential development.” Batay sa amended JVA ay labag sa batas, hindi dumaan sa bidding kaya’t maaaring nalugi ang gobyerno sa transaksiyon.

Sa 2020 COA report, nakasaad na binubusisi ng COA Legal Affairs Office ang usapin na sakop na ng Audit Observation Memo­randum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …