Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Regala
John Regala

John Regala nakikiusap ng trabaho

HATAWAN
ni Ed de Leon

NANANAWAGAN si John Regala sa mga television network na bigyan naman siya ng trabaho, hindi man diretsahan, inaamin na ni John na siya ay naghihikahos ngayon dahil sa kawalan ng trabaho. May panahon pa ngang halos nawalan siya ng malay sa kalye, kaya siya tinulungang maipasok sa ospital ng ilang taga-showbiz na nakasamaan naman niya ng loob nang lumaon.

Inamin din naman niya na tinutulungan siya ng Iglesia ni Cristo, pero hindi nga siguro sapat iyon kaya nakikiusap siyang bigyan ng trabaho.

Isa namang mahusay na actor si John at malakas naman ang batak niya sa publiko, katunayan niyan ang maraming hit movies na siya ang bida noong araw. Pero ngayon nga ay iba na ang sitwasyon. Medyo matanda na siya at may mga sakit pa. Maliban siguro kung mapangangalagaan siya nang husto at mapatunayang ok na ang kanyang kalusugan at fit to work, baka di na siya mahirapan sa kanyang pakiusap sa mga network.

Takot din siyempre silang kumuha kung may problema ka na sa kalusugan dahil kung ano man ang mangyari sa panahon ng taping,

lalo na nga at lock-in, pananagutan ka pa nila.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …