Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez
Tom Rodriguez

Netizens nagulat sa piercing ni Tom

Rated R
ni Rommel Gonzales

MAGUGULAT si misis kapag totoo!” sagot ni Tom Rodriguez nang tanungin tungkol sa kanyang piercings sa The World Between Us.

Nakitambay nitong August 2 si Tom sa GMA Entertainment Viber community at nakipagkuwentuhan sa kanyang mga tagahanga.

Sinagot din ni Tom ang ilan sa mga katanungan ng kanyang fans tungkol sa karakter niya sa GMA series bilang si Brian.

Marami sa fans nito ang curious kung totoo nga ba ang ear piercings ng aktor sa serye.

“Totoo ba ‘yung mga piercing ni Brian?” tanong ni @Joy.

“Curious rin akooo!” dagdag ni @WB.

Agad naman itong sinagot ng aktor na may kasamang laugh emojis, ”Fake laaaang… magugulat si misis kapag totoo!”

Marami sa fans ni Tom ang kinilig sa sagot niyang ito na tumutukoy sa nobya niyang si Carla Abellana.

Kuwento pa ni Tom, ”Pero noong bata ako may piercing ako isa from my dad… kaso pinatanggal ng mga madre sa school kaya sumara ‘yung butas.”

Pabirong tanong naman ni @WB, ”Hahahaha si dad mo nag-pierce sa ‘yo? Rebelz ah!”

“Yeah noong gradeschool ako mayroon s’yang piercing gun at piercing din,” sagot naman ni Tom sa kanyang fan.

Nagbigay din ng mensahe si Tom para sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya sa The World Between Us.

“Thank you sa pagsuporta and I’m glad na they seem engaged and engrossed sa kuwento like I said before… ok na ok lang na mainis kayo kay Brian basta’t alam n’yo lang kung saan s’ya nanggagaling at ‘wag tularan ‘yung mga mali n’ya,” pagpapasalamat ni Tom.

Samantala, kasalukuyang nasa lock-in taping pa rin si Tom para sa serye, gayundin si Carla para sa upcoming show nito na To Have and To Hold.

Patuloy na mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …