Friday , May 9 2025
Cebu Pacific plane CebPac

Libreng flights para sa PH Olympic delegation, regalo ng Cebu Pacific (EveryJuan of them deserves to fly)

LUBOS na ikinararangal ng Cebu Pacific ang kabayanihan ng delgasyon ng Filipinas sa Tokyo Olympics matapos magkamit ng higit sa isang medalya sa unang pagkakataon simula noong Los Angeles 1932 Olympic Games.

Kaisa ng lahat ng Filipino, ipinagmamalaki ng Cebu Pacific ang 19 atletang Pinoy na kumatawan sa ating bansa.

Bilang pagkilala sa kanilang mga pagsisikap na magbigay ng karangalan sa Filipinas, inahahandog ng Cebu Pacific ang libreng flights para kina Hidilyn Diaz, Eireen Ando, Kurt Barbosa, Margielyn Didal, Luke Gebbie, Kris Knott, Eumir Marcial, Irish Magno, Cris Nievarez, EJ Obiena, Carlo Paalam, Bianca Pagdanganan, Juvic Pagunsan, Nesthy Petecio, Remedy Rule, Yuka Saso, Jason Valdez, Kiyomi Watanabe, at Carlos Yulo.

“All our athletes have uplifted the country’s spirits amid this challenging time. We are grateful to them for going above and beyond, and we know they all have respective support teams behind them – this is why we want to have them and their loved ones enjoy free flights from us,” pahayag ni Candice Iyog, Vice President for Marketing & Customer Experience ng Cebu Pacific.

Bawat isang miyembro ng Philippine delegation ay makatatanggap ng 25 libreng flights, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-25 anibersaryo ng airline.

Maaaring magamit ang mga ticket sa kahit anong domestic at short haul destination sa network ng Cebu Pacific network.

Gayondin, maaaring ibahagi ng mga atleta ang kanilang mga ticket sa kanilang teammates, mga pamilya, at kahit sinong kabilang sa kanilang support system.

“We know it takes a village, and all those behind our athletes also poured their efforts into this. Each and every Juan of you deserve to fly,” dagdag ni Iyog. (GMG)

About Gloria Galuno

Check Also

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …

Chavit Singson e-jeep

Chavit Singson pinasinayaan pagbubukas ng e-Jeepney factory sa ‘Pinas

PINANGUNAHAN ni dating Gov. Luis “Chavit” Singson ang pagpapasinaya sa matagal na niyang pangarap, ang …

Joey Salceda Phivolcs

Salceda: Phivolcs Modernization Act, pamumuhunang ligtas buhay, lalo na sa Albay  

Ang Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Modernization Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong …

3-araw Graffiti Mural Arts Festival tagumpay sa Taguig

3-araw ‘Graffiti Mural Arts Festival’ tagumpay sa Taguig

MATAGUMPAY na nairaos ng lungsod ng Taguig ang ikatlong taon ng Meeting of Styles (MOS) …

GameZone 1

GameZone sets Tongits battlefield with GTCC: Summer Showdown

Participant of 2024 Tongits Champions Cup celebrating. GameZone ignites the summer season with the sizzling …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *