Wednesday , April 9 2025
shabu drug arrest

Mangingisda nalambat sa shabu

SHOOT sa kulungan ang isang mangingisda matapos makuhaan ng ilegal na droga sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas City police Chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Antonio Mendoza III, 23 anyos, residente sa R. Domingo St., Brgy. Tangos North.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 12:10 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Genere Sanchez ng covert patrolling at anti-illegal drug monitoring sa kahabaan ng R. Domingo St., sa nasabing barangay.

Dito, naaresto ang suspek at nakuha sa kanya ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,720 ang halaga.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …

Lito Lapid Gwen Garcia

Sen Lito itinutulak Cebu Church restoration project

ISINUSULONG ni Senador Lito Lapid ang pagpapalago ng heritage at pilgrimage tourism destinations sa lalawigan ng Cebu …

Bulacan Police PNP

Bulacan police ops
3 tulak, 2 pugante swak sa hoyo

SA PINAIGTING na pasisikap ng pulisya laban sa kriminalidad, naaresto ang limang indibidwal na pawang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *