Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alma Concepcion Beautéderm Rhea Tan Gabby Concepcion
Alma Concepcion Beautéderm Rhea Tan Gabby Concepcion

Alma Concepcion, inspirasyon si Rhea Tan sa pagiging businesswoman

TUMANGGAP recently ng Top Seller award sa Beautéderm si Alma Concepcion. Bukod sa pagiging aktres, former beauty queen, devoted mom, at interior designer, si Alma ay isang masipag na businesswoman na ang Beautederm store ay matatagpuan sa No. 59 Xavierville Ave, Colonial Residences.

Ipinahayag ng aktres na hindi niya inaasahan ang naturang award.

Aniya, “Ang reaction ko noong nabigyan ako ng award ay sobrang nagulat. Kasi nakakalula yung mga top sellers tuwing tinigtignan ko. Pero na-inspire ako sa kanila at nag-focus at nagbigay dedikasyon sa mga iba’t ibang paraan kung paano mag-market at mas itinaas ko pa ang customer service, kung saan naglaan ako during office hours sa pagsagot ng inquiries. Pinagtitiyagaan ko talaga ang pagiging available sa clients.”

Gaano ka-effective ang BeauteDerm? “Sa isang linggo makikita mo na agad ang resulta. Tanggal ang pekas, fine lines, acne, black/white heads, kahit walang derma. Yung glass skin na tinatawag o kutis porselana, ang final result ng paggamit ng BeauteDerm.

“Mayroon din kaming pang-even ng skin tone sa dark areas like the bikini, underarm, knees & elbow. Kumbaga face & body.”

Kahit may pandemic, totoo ba na mas lumakas ang sales ng BeauteDerm? Tugon ni Ms. Alma, “Yes, dahil mas may time ang mga tao na pangalagaan nila ang sarili nila, na kahit walang facials/derma ay maa-achieve nila ang skin na glass/perfect skin.”

Masasabi ba niyang ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan ang kanyang mentor at inspirasyon sa pagiging businesswoman?

Wika ng aktres, “Absolutely. ‘Di ako aggressive na negosyante. Sa kanya ko natutunan to go outside my box. Yung pagpu-push niya, talagang big help. Si Ms. Rei ang nag-push sa akin to level up.

“Eight years akong nag-online selling. Medyo kuntento na ako roon, pero si Ms. Rei ang nagpadama na mas tataas ang sales ko ‘pag may store. Noong una, talagang takot ako sa laki ng capital. Kung wala yung push ni Ms. Rei, ‘di ako magkakaron ng sarili kong store, kung utak ko lang ang pagbabasehan.

“Ngayon na two years na ang Beautéderm store ko, talagang nakikita ko na tama si CEO (Ms. Rei), ang nakakagulat dito ay mas bilib siya sa akin kaysa sa bilib ko sa sarili ko,” masayang wika pa ni Ms. Alma na mapapanood sa June 12 sa Wish Ko Lang, kasama sina Ruru Madrid, Mark Dioniso, at Chanda Romero.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …