Tuesday , December 24 2024
aiai delas alas

Ai Ai ‘di kayang magtayo ng community pantry; tulong ididiretso sa simbahan

HINDI raw kaya ni Ai Ai de las Alas na tumulad sa mga artistang nagtatayo ng community pantry.

May takot din kasi kay Ai Ai dahil baka maging dahilan ang pagtatayo ng pantry ay dumami ang mag-positive sa COVID-19.

 “Of course, alam naman natin na kapag magkakadikit, bawal ‘yon, ‘di ba? Kasi nagkakahawaan. Dapat hindi masyadong maraming tao,” rason ni Ai Ai sa interview sa kanya ng gmanetwork.com.

Batid ng Comedy Queen na nakatutulong ang community pantries sa mga taong nangangailangan. ‘Yun nga alam, ‘yung mga hindi sumusununod sa health protocols ang nagiging problema.

“Kailangan nating sumunod. Hindi naman tayo first world country na maraming bakuna. Third world tayo. Mahirap tayong bansa. Hindi tayo mayaman na maraming magagawa ang gobyerno, na lahat tayo puwedeng mabakunahan,” dagdag pa ng lead actress ng Kapuso series na Owe My Love.

Bago pa man ang community pantry, tumutulong na siya sa mga simabahang pinagsisilbihan ng mga kaibigang pari sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkaing ipinamamahagi nila sa komunidad.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *