Saturday , November 23 2024
TINANGGAP ni City Administrator Oliver Hernandez ang donasyon mula kay INC Caloocan-Metro Manila North District Administrator Bro. Ariel Barzaga. (JUN DAVID)

INC pinasalamatan ni Oca Malapitan

LUBOS na nagpapasalamat si Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa mga kapatid sa Iglesia Ni Cristo (INC) para sa donasyon nitong hindi bababa sa 200 sako ng bigas sa pamamagitan ng programang Lingap sa Mamamayan.
 
Ang mga donasyon ay pormal na tinanggap ni City Administrator Oliver Hernandez mula kay INC Tagapangasiwa ng Distrito ng Caloocan-Metro Manila North Bro. Ariel Barzaga, kahapon, Miyerkoles sa Caloocan Sports Complex.
 
“Muli po kaming nagpapasalamat sa buong Iglesia ni Cristo sa pangunguna ng ating mahal na Ka Eduardo V. Manalo. Damang-dama po namin ang inyong pagmamahal sa mga taga-Caloocan, higit na ngayong panahon ng pandemya. Noon pa man ay napatunayan na po natin na iba lumingap sa mga mamamayan ang mga kapatid natin sa INC,” ayon kay Mayor Malapitan.
 
Ayon sa punong-lungsod, ang mga bigas ay makatutulong para sa patuloy na pamamahagi ng food packs sa mga pamilya sa lungsod, higit sa mga lugar na kinakailangan isailalim sa lockdown.
 
Matatandaan, Oktubre noong nakaraang taon ay nagpadala rin ng kanilang donasyong 5,000 food packs ang INC sa lungsod ng Caloocan. Ang mga food packs ay ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod sa mga solo parent at persons with disabilities. (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *