Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

18 vaccination sites inilatag ni Mayor Isko

NAKAPAGLATAG ng 18 vaccination sites para sa vaccination program sa anim na distrito ang lungsod ng Maynila.

Ang nasabing bilang ng mga lugar na pagbaba­kunahan ay ginamit sa pagpapatuloy ng vaccination program, kabilang ang nasa kate­goryang A3 o ang mga edad 18 hanggang 59 annyos at may  comorbidities ay maaaring bakunahan.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, sina Vice Mayor Honey Lacuna, isang doktor, ang mamu­muno sa health cluster ng lungsod katuwang si Manila Health Department chief, Dr. Arnold Pangan, in-charge sa rollout ng bakuna upang tiyaking maayos, ligtas, at banayad ang daloy ng programa.

Sinisikap ng alkalde na mabakunahan ang lahat ng nasa kategoryang A3 at planong ang buong lungsod ay mabakunahan.

Nabatid sa alkalde, ang mga naghahatid ng mga  food boxes at cash aid ay nakasasalamuha ng mga taong umaabot sa 500 hanggang 1,000 bawat isa sa kanilang araw-araw na pagtungo sa mga residente at dahil dito ay mas mataas ang posibilidad na ma-expose at mahawa sa virus.

Sa ilalim ng orihinal na plano, sinabi ng alkalde na napag-usapan nila nina Lacuna at Pangan noon pang Enero na target ng pamahalaan na makapag­bakuna ng maximum na 18,000 katao kada araw o katumbas ng 540,000 kada isang bu­wan.

Umaasa si Moreno, sa rami ng mababakunahan ay magkakaroon ng herd immunity ang lungsod.

Pinasalamatan ng alkalde ang mga opisyal ng national government sa pangunguna ni President Duterete, Health secretary Francisco Duque III, at vaccine czar Carlito Galvez, Jr., gayondin ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa bakunang natanggap ng lungsod.

Umabot sa kabuuang 43,885 katao ang nabakunahan hanggang 6:38 pm kagabi.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …