Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Ge takot pa rin sa ghosting (Kaya ayaw pang lumantad)

KAHIT na ano pang pagsisikap nilang ilihim iyon, naniniwala kaming darating ang isang araw na lalabas ding totoo ngang may relasyon na sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Naglalabasan na ang mga ebidensiya. Kamakailan nakunan pa ng picture si Julia roon sa private resort sa Botolan, Zambales na ang may-ari ay si Gereald. Hindi iyan ang unang pagkakataon na nakita siya roon, may isa pang pagkakataon na sinasabi ngang pati ang ermat niyang si Marjorie Barretto ay kasama niya roon.

Sa lahat naman ng mga picture nila ay wala si Gerald, kasi nga hindi pa naman nila inaamin na may relasyon sila, pero mag-iisip ka kung pupunta nga ba si Julia sa resort ni Gerald kung hindi kasama iyon. Kung hindi man kasama si Gerald, aba mas matindi dahil may access na pala si Julia sa private resort ni Gerald.

Hindi nakakasama sa mga ganyang lakaran si Dennis Padilla, na tatay ni Julia. Matagal nang hiwalay sina Dennis at Marjorie at may kanya-kanya nang buhay. Nagharap pa nga ng kaso sa korte si Julia at ang kapatid niyang si Claudia para palitan ang kanilang pangalan. Gusto nilang gamitin na ang apelyido ng kanilang ina na Barretto sa halip na ang tunay na apelyido ni Dennis na Baldivia maging sa mga legal documents nila.

Pero si Dennis, may paalala pa rin kay Gerald, ”huwag lolokohin, at huwag sasaktan” si Julia.

Kung wala bang relasyon ang dalawang iyan, magsasalita ng ganoon iyong tatay?

Hindi namin alam kung ano nga ba ang dahilan at pilit pa nilang itinatago ang kanilang relasyon. Wala namang masasabing legal impediment sa kanilang relasyon. Ang nakikita lang naming dahilan ay kung hindi pa sila sigurado sa sarili nila, o kung hanggang sa ngayon ay takot pa rin sila sa naging issue ng “ghosting” at sa popularidad at simpatyang nakuha ni Bea Alonzo.

Kung tutuusin, mahigit na isang taon na rin naman iyan. Kung talagang sigurado na sila sa sarili nila, bakit nga ba hindi pa nila aminin kaysa iyang ganyang tago sila nang tago. Hindi nga ba ang mga magso-syota talaga namang gustong ilabas ang kanilang relasyon? Hindi ba dapat ikinararangal nila ang kanilang relasyon ano man ang sabihin ng ibang tao? Iyon ay kung totoong mahal nila ang isa’t isa at sigurado na sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …