PINURI ng apat na cause-oriented groups, National Public Transport Coalition (NPTC), United Transport Alliance Philippines (UTAP), National Confederation of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP at Alagaan Natin Inang Kalikasan (ANI-Kalikasan), na may libo-libong kasapi sina senators Grace Po, Ralph Recto, Richard Gordon, at Rep. Edgar Mary Sarmiento sa mainit na suporta sa kanilang ipinaglalaban, lalo ang kanilang panawagan para sa masusing review at consultation ng mga kondisyon at regulasyon ng PMVICs, kasama ang suspensiyon ng pagpapatupad ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) operations.
Ang inquiry ay bunsod ng Senate Resolution 634 na inihain ni Sen. Poe, chair ng Committee on Public Service. Nais tingnan ng panel ang pagpapatupad ng Memoramdum Circular No. 2018-2158 ng Land Transportation Office (LTO) at iba pang kahintulad na issuances.
Inimbita sa pagdinig ang matataas na opisyal ng LTO na pinangungunahan ni ASec. Edgar Galvante , Ariel Lim, lead conveyor ng NPTC at iba pang stakeholders.
Napansin ni Sen. Poe na ang intensiyon sa likod ng batas ay marangal ngunit ang fees pagkatapos ng pagpapatupad “ay hindi maaaring mangyari sa kabila ng pandemic na hindi pa nakaaahon ang mga tao at ngayon ay may dagdag na pasanin sa kanilang mga gastusin.”
Ang pagpapatupad ng Motor Inspection System (MVIS) program para matiyak ang roadworthiness ng mga sasakyan at iwasan ang mga aksidente sa kalsada ay nasuspendi nang mahigit 12 taon.
Bago ilatag ang programa, ang mga motorista ay nagbabayad ng average na P500 para sa emission testing fees. Ang bagong inspection procedure ay nabalitaang mas masusi dahil ito’y gumagamit ng “advanced technology” para ma-check ang buong sasakyan, ngunit ito ay umani ng mga reklamo sa publiko.
“Ang ‘di mapagkakatiwalaang test results ay malaking problema at pasanin sa ating motorista,”ayon kay Poe.
Sa panayam ni dating DOTr Usec. Tim Orbos at Tina Marasigan sa programang “Usapang Kalye” sa ABS-CBN Teleradyo noong 16 Enero 2021, isinaad ni Ariel Lim lead conveyor ng NPTC, president ng UTAP at national chairman ng NACTODAP, ang kanilang pagkadesmaya sa mga sumusunod na isyu: mataas na testing na P1,800 sa light vehicles at P600 para sa motorcycles; limitadong bilang ng PMVICs ay nagdulot ng suliranin sa biyahe ng tricycles sa testing sapagkat naroon lang sila sa siyudad o munisipyo kung saan sila saklaw ng permits; at kawalan ng standards sa tricycles.
Hiniling ni Lim sa pamahalaan ang masusing pag-aaral sa Implementing Rules and Regulations na may maayos na konsultasyon sa iba’t ibang sektor na maapektuhan ng naturang programa.
“Minadali ito at maliwanag na negosyo,” ayon kay Lim, at dinagdag na ang program implementation sa ikalawang linggo ng Oktubre 2020 ay nauna pa sa IRR noong 5 Enero 2021.
Binanggit ni Lim, ang iba’t ibang concerns tungkol sa MVICs ay tinatalakay pa lamang sa Kongreso sa ilalim ng Transport Committee na pinamumunuan ni Rep. Edgar Mary Sarmiento at sa Senado ni Sen. Grace Poe, chairperson, Committee on Public Service nang maganap ang pandemic. Hindi pa natatapos ang ganitong mga deliberations.
“Kaya iminumungkahi namin na ituloy ang mas malalim na consultation bilang respeto sa Senado at Kongreso.
Samantala nakakuha ng suporta ang transport groups sa iba pang grupo na naglunsad ng buong araw na protest motorcade sa malalaking lungsod ng Cavite para hilingin ang suspension ng MVIS program.
Naka-convoy ang daan-daang kasapi ng Private Car Owners (Cavite Chapter) Motorcycle Rights Organization (Cavite Chapter) at All-Girl Riders Association of Cavite, na umabot sa dalawang kilometro ang haba, na dumaan sa mga tanggapan ng LTO sa mga pangunahing kalye ng buong lalawigan.
Ilang grupo pa ang balak maglunsad ng kahintulad na protest motorcade sa iba’t ibang lalawigan.