Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC nagmulta ng P1,500 (nag-public apology pa)

MABILIS na gumawa ng public apology si KC Concepcion at hindi lang iyon. Binayaran niya ang multang P1,000 matapos malabag ang ordinansa sa Baguio na nagtatadhana na kailangang laging may suot na face mask, at P500 dahil sa paglabag sa ordinansa sa social distancing. Iyan ay nangyari lamang dahil sa limang minutong picture taking na ginawa nila sa okasyong iyon, kasama ni KC si Mayor Benjie Magalong at ang misis niyon. Si Mrs.Arlene Magalong ay nagmulta rin, at si Mayor, nag-resign bilang contact tracing czar dahil sa inamin niyang naging pagkukulang din niya.

Hanga kami sa ginawa ni Mayor Magalong at ng kanyang misis.  Pero talagang humanga kami sa ginawa ni KC. Hindi naman siya residente ng Baguio, at maaari siyang umuwi rin agad. Hindi naman siguro siya hahabulin kung hindi man siya nagmulta, after all nakatulong na nga sa lunsod ang kanyang pagdalo sa proyektong iyon na ang layunin ay tulungan ang mga cultural artist ng lunsod. Sumunod naman siya sa protocol, at inalis nga lamang ang face mask nang makipag-picture taking na kasama ang mayor at ang misis niyon. Eh ano nga ba ang katuturan ng picture na iyon kung nakatakip naman ang kanilang mukha na para silang mga bandido. Pero sa kabila ng katotohanang iyon, si KC buong kababaang loob na humingi ng public apology at nagmulta pa dahil sa paglabag sa ordinansa ng lunsod.

Aba siguro kung kagaya iyan ng ibang antipatika, nagbunganga pa iyan. Baka nagtatalak pa iyan sa Twitter at sa Instagram. Kinumbida nga naman siya para makatulong sa isang cultural program ng lunsod tapos pagmumultahin pa siya. Pero hindi antipatika si KC eh. Napalaki nang maayos ang batang iyan. Hindi kagaya ng iba na laking mayaman nga pero puro kaplastikan naman ang nakikita, kaya lumalaking antipatika.

Si KC, dahil na rin siguro sa mga pangaral ng kanyang lola, na alam naman nating malapit sa masa at maraming taong nag-serbisyo sa mga tao kasama ng kanyang lolo, aba eh nasanay din sa kababaang loob.

Iyang mga kagaya ni KC, iyan talaga ang masasabi mong kahanga-hanga. Kasi iyan naman ay galing sa isang pamilyang lehitimong mabubuting tao. Hindi iyan nahaluan ng masamang dugo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …