Saturday , November 23 2024

Rep. Along tumulong sa repair ng 2 tulay sa Maypajo, Caloocan

INIUTOS kamakailan ni Caloocan Rep. Dale “Along” Malapitan ang agarang inspeksiyon at pagsasaayos ng dalawang tulay sa Barangay 31 ng Maypajo sa ikalawang distrito ng lungsod ng Caloocan upang pangalagaan ang mga residenteng nakatira rito sa nagbabadyang panganib sakaling tuluyang masira ang nasabing tulay.

“Itong tulay (sa pagitan ng Talilong street at Paulicas street) na ito ay matagal nang nagbibi­gay serbisyo sa mga taga-Maypajo. Nananatili itong nakatayo sa kabila ng maraming kalamidad na naranasan natin nitong nagdaang mga taon gaya ng lindol, baha at bagyo na naging dahilan kung kaya’t ito’y unti-unti ng nasisira,” saad ni Malapitan.

Ang pagpapaayos ng Talilong-Paulicas bridge ay ang mabilisang tugon ng kongresista sa apela ni Emma Flores Jativa, residente ng Barangay 31, na nanawagang sana ay ma-repair ang tulay, may sukat na tatlong metro, bago pa man mapahamak o maaksidente ang sino man sa mga kaanak ng 25 pamilya na naninirahan sa nasabing lugar.

Personal na ininspeksiyon ni Malapitan ang tulay matapos kompirmahin ni barangay chairman Jose Mercado na sira na nga ang tulay na nagdudug­tong sa dalawang daan.

“Matapos ibalita ni chairman Mercado sa akin ang banta na dulot ng tulay ay mabilis tayong tumugon at nag-abot ng tulong pinansiyal sa barangay. Ibinilin ko rin kay chairman Jose at sa kanyang konseho na agad isaayos ang tulay upang mapi­gilan ang peligrong maaaring dalhin nito sa mga naninirahan sa lugar ng Talilong at Paulicas,” ani Malapitan.

Nagpahayag ng pasasalamat ang mga residente ng Barangay 31 sa maagap na pagtugon ni Malapitan sa kanilang pana­wagan.

“Hindi limitasyon na tumulong sa ibang distrito. Masaya akong makatulong at makapagbigay serbisyo sa mamamayan ng Caloocan,” sagot ng kongresista, kasunod ng paglilinaw na hindi lamang paggawa ng batas ang kanyang trabaho kundi pati na ang pagtiyak sa kaligtasan, kaayusan at kapakanan ng mga taga-Caloocan.  (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *