Thursday , December 26 2024

Pananalig at pananampalataya ng mga Pinoy sa Poong Maykapal hindi kayang tawaran (Sa kabila ng pandemya)

SA KABILA ng pandemya, iba pa rin talaga ang mga Pinoy pagdating sa kanilang pananalig at pananampalataya sa Poong Maykapal na tanda ng kinagisnang tradisyon at kultura.

Harangan man ng sibat o kanyon ay ‘di sagabal sa mga Pinoy lalo kung ang pag-uusapan ay tungkol sa kanilang dedikasyon at paniniwala sa kanilang kinamulatang espirituwal na paniniwala at relihiyon.

Hindi kaila sa ating lahat, ang Filipinas lang ang bukod-tanging bansa sa Asya na kinalulugdan ng 80 porsiyentong mga Kristiyano at Katoliko — sarado na kandado pa.

Makikita natin ang pruweba nito lamang kapistahan ng Itim na Nazareno na dinumog ng sandamakmak na deboto, hindi alintana ang banta ng kasalukuyang pandemya.

Bagama’t maraming ipinatutupad na regulasyon ang ating gobyerno hinggil sa banta ng virus, saksi tayong lahat na hindi nasunod ito partikular ang social-distancing na isa sa pinakamahalagang health protocol.

Bukod sa social-distancing, marami rin sa ating mga kababayang deboto ang hindi na nakuha pang isuot ang kanilang mga face mask at face shield na sinasabing mandatory.

Wala rin nagawa ang mga awtoridad at organizer ng nasabing okasyon dahil sa buhos at dagsa ng mga namamanata sa imahen ng Nazareno na umano’y milagroso at mapaghimala lalo sa kanilang mga karamdaman, estado ng buhay, kahirapan at marami pang iba.

Maliban sa mga nabanggit, wala na rin daw silang pinagkukunan ng lakas at tibay ng loob lalo sa panahong ito ng pandemya na lubhang naging prehuwisyo partikular sa antas ng kanilang buhay at kalusugan.

Ang bantang ito ng virus ay hindi naging hadlang sa libo-libong deboto sa kabila ng mga babala ng gobyerno hinggil sa pagsunod sa health protocol na mahigpit na ipinapatupad.

Mantakin ninyong sa rami ng mga ipinagbabawal na maganap tulad ng prusisyon, traslacion, pahalik, pagwagayway ng mga panyo at kung ano-ano pa, dinagsa pa rin bilang pagtupad sa kanilang kinagisnang tradisyon at kultura.

Kung sa bagay ay karapatan din naman ito ng kahit sinong mamamayan na nagsasabing bawal ang sinomang humadlang sa mga paniniwala at gawain ng maski na anong sekta at relihiyong kinabibilangan.

Separation of the church and state na maliwanag at klarong nakasaad sa ating konstitusyon. Hindi lang natin nasisiguro kung ano pa ang ibang probisyon na nakapaloob dito lalo nitong panahon ng pandemya.

Ganoon pa man ay walang ibang ipinahihiwatig dito sa okasyong ito kundi ang lakas ng pananalig at pananampalataya ng ating mga kababayan sa Poong Maykapal na may likha ng lahat-lahat sa mundo nating ginagalawan.

Wala naman naging masama sa mga naging kaganapan sa Pista ng Quiapo, dangan nga lang ay huwag sana itong maging spreader ng virus gaya ng sinasabi ng ating gobyerno.

Bahala na raw dahil ang ating Diyos pa rin ang pinakamakapangyarihan sa lahat at siguradong hindi nito pababayaan ang lahat ng naniniwala sa kanya.

Naniniwala rin naman tayo sa sinasabi at iminumungkahi ng ating gobyerno para rin naman sa atin sariling kapakanan.

Sa puntong ito, ang paniniwala sa relihiyon at siyensiya ang pinag-uusapan na alam nating walang katapusang argumento at diskusyon kapag pinag-talunan.

He he he…

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *