Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lamay bawal sa loob ng bahay — Belmonte

NAGBABALA ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa mga opisyal ng barangay at kawani ng punerarya na papatawan ng parusa ang gaganaping lamay sa loob ng tahanan ng mga namatayan dahil ang ganitong mga aktibidad ay maaaring maging dahilan ng pagkalat ng impeksiyon ng coronavirus.

Ayon kay QC Barangay Community Relations Department (BCRD) head Ricky Corpuz, ang desisyong hindi payagan ang mga lamay sa kabahayan ay sanhi ng mga sumbong sa kanyang tanggapan na may ilang mga barangay ang luma­labag sa kautu­san laban sa mass gathering o pagtitipon-tipon ng mga tao sa gitna ng nagpapatuloy na pandemya.

Binalaan ni Quezon City mayor Maria Josefina Tanya ‘Joy’ Belmonte ang mga barangay at punerarya na papatawan sila ng multa kapag nilabag nila ang Ordinance No. SP-2907, S-2000, na nagbaba­wal ng pagsasagawa ng lamay sa mga tahanan.

“What we are trying to avoid is crowded wakes where a potential surge can occur. While we understand that we should accord grieving families the right to pay their last respects, the virus is still there to wreak havoc and could ruin even our Christmas celebration. So if we can limit the wake to the immediate family and in a controlled environment, then we can avert the spread of the virus,” punto ni Belmonte.

Sa ilalim ng nabanggit na ordinansa, pinapayagan ang lamay ng dalawang araw sa loob ng mga punerarya, community mortuary, o kapilya kung ang namatay ay negatibo sa CoVid-19. Bukod dito, ang mga immediate family member lamang ang papayagang dumalo sa libing o cremation.

Papatawan ang mga lalabag na punerarya sa lungsod ng halagang P5,000 sa bawat pagla­bag at pagkansela ng kanilang business permit.

Sinabi rin ng alkalde na papatawan din sa ilalim ng ordinansa ang mga lalabag ng katumbas na multang P5,000 o pagkakakulong ng hindi hihigit sa anim na buwan  sa kautusan ng korte.

“We remind the family of the deceased that wakes are strictly allowed only in funeral parlors and not at home. It hasn’t changed since the enhanced community quarantine (ECQ) days,” ani Corpuz.

“There are a lot of funeral parlors saying that if they get barangay clearance, they will conduct the wakes at the family’s homes,” dagdag nito. (TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …