Thursday , December 19 2024
Valenzuela

Binigyan ng 24,000 tablets (Estudyanteng Valenzuelanos)

PINANGUNAHAN ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian ang pamamahagi ng 24,000 tablets sa mga mag-aaral ng mga pampublikong paaralang elementarya at sekundarya sa lungsod.

“After going through a strict and stringent procurement process, as well as importation process, this week, we will release 24,000 smartphones to our students in our public schools who stated that they do not have any handheld device during enrollment,” ani Gatchalian sa simula ng pamamahagi nitong 5 Enero na tatagal hanggang 9 Enero.

Batay sa enrollment declaration ng Department of Education (DepEd) Valenzuela noong nakalipas na taon, 24,000 sa 130,000 estudyante sa pampublikong paaralang elementarya at sekundarya sa Valenzuela City ang walang smartphone o gadget para sa online classes.

Sa berepikasyon ng DepEd Valenzuela, natuklasan na ang mga student-beneficiaries ay walang kapasidad na makabili ng sariling gadget para sa online classes na nagsimula noong Oktubre 2020 kaya’t naglaan ang pamahalaang lungsod ng P69 millyon para sa pagbili ng nasabing tablets.

Ang mga naturang tablets ay maaaring gamitin sa panonood ng mga aralin sa Valenzuela LIVE Online Streaming School, sa pagbabalik-aral at panonood ng iba pang educational videos.

Nagbilin ang pamahalaang lungsod at DepEd Valenzuela sa mga batang Valenzuelano na ingatan ang kanilang tablets dahil pinhahaha­lagahan rin ng lokal na pamahaalan ang kanilang edukasyon, at sinabing ang mga tablet  ay nararapat lamang gamitin sa paglahok sa online classes at follow-up discussions.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines

On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …

BingoPlus Howlers Manila 3.0 FEAT

BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night FEAT

BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night

METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *