Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, kinuwestiyon: Bakit may feeding bottle?

NAPAKATALAS talaga ng mata ng mga nitizen at mabilis din ang takbo ng isip. Ilang ulit na naming nakita ang isang post ni Coco Martin mismo sa social media, pero ang nakatawag sa aming pansin ay iyong kinatay na baboy yata iyon na mukhang inihahanda niya para mailuto. Iyon naman talaga ang focus.

Ang napansin ng isang netizen ay iyong ibabaw ng cabinet sa likod ni Coco na mayroon daw “baby feeding bottle,” at binilugan pa niya iyon para makita ng iba ang kanyang sinasabi. Binalikan namin ang sinasabing picture at ang ginawa namin, sinubukang i-zoom sa bahaging iyon pero hindi gaanong mataas ang resolution at lalong lalabo kung izo-zoom. Mukha nga siyang “baby feeding bottle” na kulay green ang takip, pero mayroon din namang lalagyan ng condiments, o iyong tinatawag nating patisan, o lalagyan ng toyo at suka na medyo ganoon ang korte kaya hindi mo rin masasabing talagang “baby feeding bottle” iyon.

At kung sakali nga na may naligaw na “baby feeding bottle” sa kusina nina Coco, ano naman ang ibig sabihin niyon? Hindi ba maaaring isipin na may pamangkin si Coco na gumagamit niyon? Hindi ba maaari ring isipin na iyon ay feeding bottle na ginagamit para sa mga alagang aso ni Coco?

Hindi naman maliwanag sa atin kung isa ngang “baby feeding bottle” iyon pero masyado naman yatang mabilis na gumawa ng conclusion kung ang ibig nilang sabihin ay may anak na nga si Coco na itinatago lang. Siguro maghanap pa sila ng mas matibay na ebidensiya para mapatunayan nila ang kanilang iniisip, lalo na nga’t ang mga una namang nagsabi na may ganoon nga ay puro “nanahimik na rin” after some time. Kung “ano man ang dahilan ng kanilang pananahimik” ay sila lamang ang nakaaalam.

Bakit nga ba pagkatapos na masyado silang matatapang ay parang bigla silang nautal at hindi na makapagsalita?

Pero basta kami, ang stand namin diyan ay hindi importante kung may nakita mang “baby feeding bottle” roon sa kusina ni Coco. Hindi iyon isang matibay na ebidensiya ng mga tsismis na may naanakan na nga siya. Kung may naanakan man si Coco, hindi ba natural naman iyon?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …