Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alfred Vargas, actor-producer na

BONGGA si Congressman Alfred Vargas at dumating na siya sa point as an actor-producer na ginagawa ng mga malalaking artista natin ngayon. Ito ‘yung TAGPUAN na siya ang bida kasama sina Iza Calzado at Shaina Magdayao.

Nasundan namin ang career ni Alfred simula nang nag-umpisa siya sa ABS CBN kasabay ni Dennis Trillo. Matapos ang stint niya sa ABS CBN ay lumipat ito sa GMA 7 na naging sunod-sunod ang projects niya.

Observation namin noon kay Alfred ay maayos na ginagampanan ang mga role na ibinibigay sa kanya at madalas nakikita namin ‘yan na tahimik sa isang sulok at pinag-aaralan ang script niya.

Kalaunan ay bumulaga sa amin ang isang coffetable book niya na mga nagseseksihang mga photo na pinag-usapan din noon. Pagkatapos ay pinasok ang politika at nagtagumpay naman habang lumalabas pa rin siya sa mga teleserye at sa mga pelikula.

At ngayon, siya pa ang actor-producer ng Tagpuan.

Sa trailer pa lang ay maganda ang movie na partly shoot sa Hongkong at New York. It reminds me of the good old days noong naninirahan pa ako sa New York.

Magaganda rin ang role nina Iza at Shaina na hindi malilimutan ang pelikulang ito. Kaloka. Inaasahan namin na malaki ang chance ng movie na magustuhan ng marami sa darating na MMFF 2020 na magsisimula sa Dec 25.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …