Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards
Alden Richards

Fans, ‘di nabigo sa virtual date kay Alden; AR, record breaking

HANGGANG ngayon ay lubos ang pasasalamat ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards sa matagumpay na 10th anniversary celebration niya via Alden’s Reality: The Virtual Reality Concert (AR).

Record-breaking nga ang nasabing handog ni Alden sa kanyang mga tagasuporta here and abroad dahil ang AR ang kauna-unahang virtual reality concert dito sa Pilipinas. Marami mang naunang virtual concert, si Alden pa lang ang nakagawa ng may virtual reality component.

Mabilis ang fans sa pag-secure ng tickets para sa concert kaya naman ‘di kataka-takang sold-out ang AR na napanood sa tatlong timeslots noong December 8 at 9. Top trending topic din ang hashtag na AldensReality sa Twitter Philippines.

Hindi nabigo ang mga nanood dahil isang ‘virtual date’ ang ibinigay ni Alden sa kanila. Mula sa paggising ba naman ni Alden ay kasama na niya ang concert goer at may pa-tour pa sa loob mismo ng kanyang bahay. May front-row seat din ang ‘date’ ni Alden sa mga song at dance numbers na inihanda niya. Marami rin ang na-touch sa pagbabalik-tanaw ni Alden sa kanyang journey as an artist sa loob ng isang dekada.

Congrats ulit, Alden!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …