Saturday , November 23 2024
San Jose del Monte City SJDM

San Jose Del Monte sa Bulacan iprinoklamang ‘highly-urbanized city’

IPRINOKLAMA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang highly-urbanized city ang lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 5 Disyembre.

Ayon kay San Jose del Monte City Lone District Rep. Florida Robes, kailangang dumaan sa ratification ng kanyang mga kababayan ang proklamasyon ng pangulo sa pamamagitan ng isang plebesito.

“I am very honored to announce that President Rodrigo Duterte has declared our beloved city a highly-urbanized city. We have long waited for this and we will work more to make us truly deserving of this proclamation for the people of San Jose Del Monte,” pahayag ni Robes.

Sa ilalim ng Proclamation No. 1057 ng Pangulo, nakasaad na base sa Section 453 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code of 1991, maaari nang iproklama ng pangulo na highly-urbanized city ang isang lungsod sa loob ng 30 araw matapos nitong makamit ang minimum population na 200,000 na sertipikado ng Philippine Statistics Authority at income na P50 milyon na pinatotohanan ng City Treasurer.

Ginawa ni Robes ang pahayag sa inagurasyon ng bagong gawang San Jose del Monte Convention Center.

Ayon sa kongresista, makahihikayat ito ng mga negosyo mula sa micro, small and medium enterprises sa lungsod at iba pang mga investor upang magnegosyo at makalikha ng mga bagong trabaho.

Si Robes kasama ang kanyang asawang si San Jose del Monte Mayor Arthur Robes ay nanguna sa inagurasyon ng convention center na kauna-unahan sa lungsod at bahagi ng Build, Build, Build program ng Pangulo.

Kasabay nito, nagbigay ng kanyang State of the District Address (SODA) ang mambabatas at ipinabatid sa kanyang mga kababayan ang mga programa at plano para makaagapay sa kabila ng nanatiling pandemyang dahil sa CoVid-19 at iba pang development projects sa lungsod. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *