Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Relasyon ni Cesar kay Sandra, ‘di tago

IYONG sa case naman nina Sandra Seifert at Cesar Montano, alam na ng mga tao iyan dahil napag-usapan na iyan noon pa man. Hindi ba nakunan pa nga sila ng picture habang nasa isang eroplano papunta sa US? Doon naman nanganak si Sandra, na pinangalagaan ng isang pastor ng Seventh Day Adventist. Noong maipanganak na si Coco, nagbalik na sa Pilipinas si Sandra.

Nagpatuloy siya sa kanyang ministry sa kanilang relihiyon, in fact kamakailan ay may post pa nga sa isang eskuwelahan ng mga Adventists na naging guest pa sina Cesar at Sandra. Ibig sabihin, may mutual understanding naman sa kanila, kahit na sinasabing ang live-in partner ni Cesar si Kath (Socorro Angeles).

Ang sinasabi lang ni Sandra, talagang sinisikap niyang mabigyan ng higit na panahon ang anak nilang si Coco, dahil bihira na nga niyong makasama ang amang si Cesar, gusto naman niyang maibigay ang lahat ng kanyang panahon, bukod siyempre sa kanyang religious ministry na kailangang gampanan.

Nakatatawa lang na nitong mga nakaraang araw ay may naglalabas ng lahat ng mga istoryang iyan na akala mo kontrobersiyal na pangyayari ganoong hindi naman. May mga bagay na hindi nila binuksan sa publiko at karapatan naman nila iyan kahit na sabihing mga public figure sila. Ang mahalaga may unawaan sila kung ano ang katayuan sa buhay ng bawat isa. Hindi naman nagkakagulo ang mga nanay ng kanyang mga anak, kaya walang problema si Cesar doon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …