Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga anak ni Cesar kina Sandra at Kath, inilantad na

HINDI lang naman ang dating Miss Earth na si Sandra Seifert ang naglabas ng picture ng anak nila ni Cesar Montano, na ikinakaila pa noong una. Maging ang live-in partner ni Cesar na si Socorro Angeles naglalabas na rin ng picture ng kanilang mga anak. May tatlong anak na sina Kath (Socorro) at Cesar.

Noong una, nagkabiglaan pa nang may maglabas sa Facebook ng picture ng binyag ng kanilang anak ni Cesar na si Kristen. Ang naglabas ay isang government official na kinuha nilang ninong sa binyag niyong bata at ipinagmalaki na kumpare na niya si Cesar. Tapos inalis din agad ang post, bagama’t may mga nakapag-save na ng picture. Nang malaunan si Kath na rin mismo ang nag-post ng picture ng anak na lalaki nila ni Cesar na si Liam sa mismong social media account niya.

Tapos ngayon nga, matapos ang mahabang panahon na itinatago at nagde-deny si Sandra, inilabas na rin niya ang picture ni Coco, na anak nila ni Cesar. Inamin din niya na paminsan-minsan lang magkita sina Cesar at Coco, at siguro nga ang picture na iyon ay nakatuwaan ni Sandra dahil sabi nga niya malapit na ang Christmas, at ano nga ba ang mahalaga kapag Pasko, kundi ang pamilya.

Ang nagiging biruan nga, dumarami na talaga ang anak ni Cesar. May dalawa siyang anak sa kanyang yumaong asawang si Marilyn Polingay. Tapos si Diego Loyzaga na anak naman niya kay Teresa Loyzaga. May tatlong anak din sila ng naging asawa niyang si Sunshine Cruz. Tapos ito ngang tatlo kay Socorro at isa kay Sandra. Sampu na silang lahat.

Pero hindi naman dapat na magkaroon ng controversy. Yumao na ang unang asawa ni Cesar na si Marilyn. Nag-split naman sila ni Teresa bago pa man ipanganak si Diego, at pagkatapos nag-abroad naman ang mag-ina. Noon naman niya niligawan at later on ay pinakasalan si Sunshine.

Nagkahiwalay naman sila ni Sunshine, bago ang kanilang affair ni Kath  at ni Sandra. Wala pa naman siyang pinakakasalan kahit na sino sa dalawa kahit na annulled na ang kasal nila ni Sunshine. Palagay naman namin, alam nila ang status ng isa’t isa kaya walang problema riyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …