Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elizabeth Oropesa, masaya sa pagkakaroon ng iba’t ibang shows ng Net25

IPINAHAYAG ni Elizabeth Oropesa na masayang-masaya siya na maraming bago at iba’t ibang shows ang Net25.

Bahagi ang veteran actress ng seryeng Ang Daigdig Ko’y Ikaw ng Net25 na magsisimula nang mapanood this Saturday (Nov. 28), 8pm. Ang naturang serye ay tinatampukan sina Ynna Asistio at Geoff Eigenmann.

Saad niya, “Aba’y tuwang-tuwa ako, kasi mas maraming trabaho sa lahat ng mga artista, maliit at malaki, ay mas mabuti. Malaking tulong po iyan. Isa sa pinakamalaking naapektohan ng pandemya ay ang industriya ng showbizness, meaning mga artista, supporting, extra, at mga behind the scenes, mga crew, mga camera man…

“So good news po ito, very good news po iyan sa industriya.”

Dagdag ni Ms. Elizabeth, “This is a very-very beautiful teleserye. My part is short but sweet. The experience is wonderful talaga, gustong-gusto ko.”

Bukod sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw, ang iba pang mga show ng Net25 ay ang noontime show na Happy Time nina Anjo Yllana, Janno Gibbs, at Kitkat; ang Kesayasaya!, isang musical sitcom nina Vina Morales, Robin Padilla, Pilita Corrales, at iba pa; ang Tagisan Ng Galing 2 na hurado sina Imelda Papin, Vina Morales, Marco Sison, at Marcelino Pomoy (sa kantahan); Joy Cancio, Mia Pangyarihan, Wowie de Guzman, at Joshua Zamora (sa sayawan) – host dito sina Ruru Madrid at Jon Lucas; at ang Himig Ng Lahi (Season 3) hosted by Pilita Corrales and Darius Razon, at ang docudrama na PARAK ni Victor Neri.

Sa news department naman, nandiyan ang primetime news tulad ng Mata Ng Agila with news anchors Vic Lima at Emma Tiglao; Eagle News International ni CJ Hirro; at ang morning primetime news na Pambansang Almusal ni Apple David. Plus ang morning magazine show na Relax Ka Lang nina Jan Marini, Ara Mina, at Melissa Ricks.

Anyway, kabilang sa casts ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw sina Richard Quan, Sheila Marie Rodriguez, Paulyn Ann Poon, Tanya Gomez, Manolo Silayan, Arielle Roces, AJ Muhlach, Anna Mabasa-Muhlach, Jiro Custodio, Jellex David, at Myrna Villanueva Tinio.

Ano ang role niya sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw?

Tugon ni Ms. Elizabeth, “Ako po ay ang Mayor ng Olbida. Anak ko po ‘yung nagkakagusto kay ano (Ynna) na naging kalaban ni Geoff.”

Inilinaw din niyang hindi siya kontrabida sa seryeng pinamahalaan ni Direk Direk Eduardo Roy, Jr., isinulat ni Bing Castro-Villanueva, at mula sa supervision ng director and writer na si Nestor Malgapo, Jr.

“Hindi po, si Tanya ‘yung kontrabida. Ako po supportive ako roon sa anak ko, spoiled sa akin ‘yung anak ko pero whatever it is that he wants… e, hindi ko naman puwede i-reveal ‘yung buong kuwento… basta hindi po ako kontrabida rito,” nakangiting saad ng aktres na kilala rin sa bansag na La Oropesa.

Bukod sa seryeng ito, maraming project ngayon si Ms. Elizabeth, plus may movie pa silang pinagbibidahan ni Daria Ramirez. Parang mas nagiging active ba siyang muli sa showbiz ngayon?

“Basically, hindi naman ako nag-lie low, kasi noong matapos ko ‘yung The Gift, ang sumunod ay ang Agimat ng Agila. Hindi lang na i-air kasi nagpandemya. Pero hindi nabakante e, sunod-sunod ‘yun.

“After a couple of months na nagpandemya, gumawa ako ng pelikula. Nag-produce ako tapos mayroon akong tinatapos na isa pang pelikula aside from ‘yung ini-introduce ko,” esplika pa niya.

Ang tinutukoy ni La Oro na pelikulang ipinrodyus niya ay ang ECQ Diary (Bawal Ang Lumabas) na pinamahalaan ni Direk Arlyn dela Cruz, under sa Blank Pages Productions.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …