Thursday , December 26 2024

Normal na normal na galawan sa NCR kahit nasa ilalim ng GCQ  

NORMAL na normal ang galawan ng publiko sa National Capital Region (NCR) kahit nasa ilalim pa ng General Community Quarantine (GCQ).

Ito ang napapansin ng marami nating kababayan lalo sa pagpapatupad ng health and quarantine protocols na halos hindi naman sinusunod.

Sa lahat halos ng lugar partikular sa mga palengke, mall, at iba pang pampublikong lansangan ay nagkukumpulan ang mga tao na walang sinusunod na physical distancing.

Maging sa pagsusuot nga ng kanilang face mask at face shield ay tila nakakalimutan na, nakasuot man ay wala naman sa tamang ayos at lugar.

Sa mga pampublikong sasakyan tulad ng bus at mga dyip ay dikit-dikit na rin ang mga pasahero na kulang na lang tanggalin ang mga plastic barrier. Ito ay lumalabas na lamang na front at props.

Libre na ring naglalaro sa mga kalye ang mga bata hanggang sa mga menor de edad. Palakad-lakad, papasyal-pasyal hanggang disoras ng gabi na wala na rin sinusunod na curfew.

Ang disiplina na noong una pa man ay ipinatupad na sa publiko at balewala na rin dahil malaya ang lahat na gawin ang kanilang kagustohan.

Wala na rin umanong sumisilip o sumisita sa kanila gaya ng nakagawian noong mga nakaraang buwan na aktibong-aktibo pa ang mga barangay at pulisya.

Lumalabas na para bang nakatamaran na at napag-sawaan na ang kanilang tungkulin at responsibilidad.

Kung sa bagay ay uso-uso lang daw iyan tulad rin ng mga isyu na nalalaos pagdating ng panahon kaya kailangan na namang humanap ng bago at kakaibang gimik para mag-click muli sa mga tao.

Sa paglawig ng panahon ay baka hindi na kailanganin hintayin ang bakuna laban sa CoVid-19 dahil iniisip nila na kayang-kaya ito, lakasan na lang ng loob.

Ganoon na rin ang suma may bakuna ka man o wala dahil normal na nga naman ang kalakaran at balik na muli sa dating gawi.

Flattened na nga ba ang curve dahil sa kabila ng lahat ay hindi na raw masyadong nadaragdagan bagkus ay nababawasan pa ang biktima ng CoVid-19? Ito ay base daw sa datos.

Sana nga ay magkatotoo ang mga sapantaha dahil malaking kasiyahan ito sa bayan at mamamayan. Malaking katipiran din anila ito kung sakaling magkakatotoo.

Sa Nobyembre 30, natin malalaman ang lahat-lahat base sa mga ebalwasyon ng mga propesyonal tulad ng mga doktor at iba pang dalubhasa.

Dito na rin natin malalaman kung mananatili pa rin sa GCQ ang status ng NCR segun sa kalalabasan ng datos at pag-aaral na ginagawa ng Department of Health (DOH). Siyempre ay importante rin ang rekomendasyon ng mga Task Force na itinatag ng ating gobyerno.

Ito na rin marahil ang hudyat kung tayo ay nag-tagumpay sa ating sinimulan at pinaghirapan sa loob ng halos walong buwan.

Wait and watch na lang tayo mga kaibigan…

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *