Saturday , November 23 2024

Dating hinahabol ng batas noon, rubbing elbows w/ high officials ngayon?

ALAM ba ninyo kung ano ang huling balita sa isang viber group?              

Kung dati ay sa coffee shops pinag-uusapan ang ganitong mga impormasyon, ngayon ay sa viber groups na.

Kasi nga pandemic at bawal ang magkakadikit kaya hindi puwedeng magbulungan.

Hik hik hik!

Kaya heto, mainit na pinag-uusapan ang isang dating ‘paboritong’ target ng mga awtoridad dahil sa kanyang mga kaduda-dudang aktibidad sa Indian community pero ngayon ‘daw’ ay ‘elbow to elbow’ na sa matataas na gov’t officials.

At bakit nangyari ito?

Simula raw iyan noong sumama siya sa isang organisasyon na ang adbokasiya ay labanan ang krimen.

Sa nakalipas na limang taon, ‘malaking pagbabago’ ang nakita sa ‘dating kaaway ng batas’ pero ngayon ay kabungguang balikat ng mga awtoridad. At hindi basta awtoridad kundi matataas na opisyal ng pamahalaan.

Wattafak!

Kasapak-sapak!

Talagang napapa-WOW daw ang mga nakakikilala sa taong ito na talagang nakabibigla ang pagsirit ng yaman.

Pero muling napapailing at napapataas ng kilay kasi pinagdududahan nilang ‘galing’ sa ilegal ang pagyaman?!

Naku! Napaka-ironic naman niyan, ang adbokasiya ay labanan ang krimen tapos ilegal ang gawain?

Anak ng kambing na may sibuyas naman o!  

Inggit lang daw ang mga nagtitsismisan sa iba’t ibang viber groups kasi talagang biglang sumirit ang kanyang yaman.

Biglang nagkaroon ng mansiyon sa Alabang. Nagtayo ng hindi mabilang na korporasyon at ngayon ay kakiskisang-siko pa ng matataas na opisyal ng pamahalaan.

Para raw kasing con artist na napakahusay magpanggap sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

At kung dati nga ay wanted at target ng mga awtoridad, ngayon ay limang parak pa ang kanyang bodyguard.

Hebigat!

Sabi nga: “Money talks, bullshit walks, that is how life goes.”

Sino siya?

Ipagtanong na lang ninyo sa Indian community na patok na patok ang pangalan niya.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *