Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

P10-B SAP nabuko kaya ini-divert kunwari para sa livelihood program

NABUKO lang ang P10-B pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat ipamahagi sa mamamayan kung kaya’t ini-divert ito kunwari para sa livelihood program at pondo para sa private school teachers.

E bakit naman daw ganon bigla ang naging desisyon ng DSWD samantala napakarami pang kababayan natin ang hindi pa nakatatanggap ng first at second tranche ng SAP at hanggang sa kasalukuyan ay naghihintay at umaasa pa rin na makakukuha sila.

Kung tutuusin anila ay kulang pa ang P10-B at hindi ito sobra gaya ng idinedeklara ng DSWD dahil marami pang tao sa Maynila partikular sa 1st & 2nd district ang hindi pa nakatatanggap ng SAP gayong pumasa naman daw sa interview na isinagawa ng kanilang mga social worker na nagpunta sa mga barangay.

Halos lahat daw ng mga barangay dito sa nasabing lugar ay wala pang tinatanggap na SAP hanggang ngayon samantalang ibinigay sa kanila ang kalahati ng kanilang application form na nagpapatunay na sila ay kalipikado at pasado na upang tumanggap ng ayuda.

Sinabi rin nila na muli na naman silang ipinatawag sa kani-kanilang barangay ng mga social worker ng DSWD  sa pangalawang pagkakataon upang hingin at iklaro ang kanilang cellphone number kung saan sila puwedeng tawagan upang maibigay ang detalye kung saan nila puwedeng kubrahin ang kanilang SAP, GCash pa raw iyon.

Ayon daw sa mga social worker, matagal na raw ang dalawang linggo  at makukuha na ang kanilang inaasam na SAP sa iba’t ibang money transfer na pinakamalapit sa kanilang lugar na kanila namang pinaniwalaan at inasahan.

Lumipas ang isang buwan, dalawang buwan hanggang ikatlong buwan nguni’t wala pa rin daw silang nata-tanggap na tawag mula sa DSWD.

Matatapos na anila ang taong 2020 ngunit wala pa rin silang tawag maski man lang daw sa tawag ng tanghalan. He he he…

Napakarami daw pangako at paasa ng mga social worker gaya ng may allotment o pondo na raw kaya sandali na lang at ipadadala na lang agad sa kung saan-saang money transfer sa Maynila.

Anyare? Nasaan na ang mga pangako ninyo sa mamamayan na walang ibang sandigan at inaasahan kundi kayo? Tsk tsk tsk, kawawa naman sila, ‘di ba?

Ang lakas pa ng loob ninyong sabihing sobra ng P10 bilyon ang pondo para sa SAP kung kaya’t ibabahagi na lang at ilalaan sa livelihood program at ipamimigay sa private school teachers na nawalan ng hanapbuhay. Tell it to the marines!

Sa pananaw ng marami ay wala rin kayong ipinagkaiba sa PhilHealth na bilyong piso rin ang nawala at ninakaw sa kaban ng bayan kaya lang ay bigla rin nagkabukuhan. Walang ipinagkaiba sa situwasyon ninyo ngayon, ‘di po ba?

Sana’y mapatunayan ninyong mali ang iniisip sa inyo ng mamamayan at hindi ganoon ang kalakaran sa DSWD. Umaasa pa rin kasi sila hanggang ngayon.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *