Wednesday , December 18 2024

Mass swab test libre sa Maynila

INIUTOS ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pagsasagawa ng libreng mass swab test sa market vendors, mall employees, hotel staffers, restaurant workers, e-trike drivers, tricycle drivers, pedicab drivers, jeepney drivers at bus drivers bilang bahagi ng kanyang pinalawig na hakbang laban sa CoVid-19.

Base sa Executive Order No. 39, inatasan ng alkalde ang  Manila Health Department (MHD) na magsagawa ng libreng swab test sa mga nabang­git na sector makaraan ang paglulunsad ng ikalawang  molecular laboratory sa Sta. Ana Hospital.

“The real threat of CoVid-19 will continue to persist in our community, thereby sending fear to every person of getting infected with it. This fear will affect not only the individual preferences and behavior or every person, but also the economic growth (of the city),” ayon sa alkalde.

“In order to allay the fear of getting infected with CoVid-19, there is a need to assure the public that employees of these frequently visited establishments are CoVid-19 free and thus spur economic activities,” pahayag ni Mayor Isko.

Aniya, nagkaloob ng libreng RT-PCR testing  ang lokal na pamahalaan bilang hakbang para mabalanse ang kalusugan at ekonomiya para sa kapanatagan rin ng mamamayan sa lungsod.

Kaugnay nito, inatasan ni Isko ang mga hepe ng Manila Bureau of Permits and Licensing Office,  Department of Tourism, Culture and Arts of Manila, at Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na obligahin ang mga establisimiyento na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon na lumagda ng mandatory health declaration forms upang palawigin ang contact tracing sa lungsod.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *