Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hepe, 5 pa sinibak ni Gen. Danao (Sa viral video sa Cavite)

TINANGGAL sa puwesto ni PNP-PRO4A Regional Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang hepe at limang miyembro ng Kawit Municipal Station-Drug Enforcement Unit matapos mag viral sa video ang ilegal na paghuli sa isang babae noong nakaraang linggo sa Bgy. Tabon 2, sa bayan ng Kawit, lalawigan ng Cavite.

Base sa ulat na nakarating kay P/BGen. Danao, inaresto ng grupo ni Kawit Municipal Police Station Chief P/Maj. Gabriel Unay ang isang babae noong 25 Setyembre 25 na nakunan sa CCTV ng isang kinilalang Apple Grace ang pagdakip.

Nakita sa kuha ng CCTV ang pagpasok ng grupo ni Unay sa bahay ng isang babaeng kinilalang si Dana Jamon at sapilitang kinaladkad sa buhok sa harap ng kaniyang mga anak.

“Such act is unacceptable,” ani Danao at sinabing hindi niya kukunsintihin ang aksiyon ng kaniyang kapulisan na isang paglabag sa police operational procedure.

Dahil dito, ipinag-utos ng opisyal na isailalaim si Unay sa preventive suspension dahil sa command responsibility at ang apat niyang tauhan upang hindi makaimpluwensya sa isinasagawang imbestigasyon sa nasabing insidente.

“Hindi ako papayag sa mga maling gawain ng mga miyembro ng ating kapulisan. I have been very strict with my program on LITIS, or Litisin Tiwalag at Iskalawag na Pulis,” dagdag ni Danao.

Kasabay nito, tiniyak niya ang patas na imbestigasyon sa kaso.

Bukod kay Unay, isinailalim din sa preventive suspension sina P/SSg J. Rapiz, P/SSg J. Pagaran, P/SSg. Payuran, P/Cpl. Cambarihan, at P/Cpl. Pedimonte.

Napagalamang kasalukuyang nasa restricted custody ni Cavite Provincial Police Office Director P/Col. Marlon Santos ang mga pulis base sa utos ni Gen. Danao. (BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Brian Bilasano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …