Kuwento sa amin ng prolific na singer/songwriter, “Tapos na po yung kay Ms. Cherie Gil, nag-start po ito noong August 14. Bale, online acting workshop po ito.”
“Right now po nagpa-practice na ako para sa online concert ko sa October 18 @4PM.”
“Unang session pa lang po, ang dami ko nang natutunan, parang isang book na ang katumbas,” nakangiting saad pa niya.
Hindi ba siya natakot o nailang, may tsikang terror daw kasi si Ms. Cherie? Natarayan ba siya ng award-winning actress?
“Feeling ko po. para na rin akong natuto sa mga mentors niya na sina Direk El Maestro Elwood Perez (a dear friend of mine too) at Direk Peque Gallaga na puring-puri niya pareho.”
Saad pa ni Gari, “Actually, pangatlong acting workshops ko na ito, una po ay kay Direk Brillante (Mendoza), then sa INC, under kay Ms Flordeliza Salanga na award-winning actress po.”
Nabanggit pa niyang type rin niyang mag-artista. “Dati po hindi, pero nag-eexplore lang po ako ng mga kaya ko pang gawin, habang kaya pa po. For one, gusto ko pong magpatawa at magpasaya ng mga tao.”
Sino ba ang mga hinahangaan niyang komedyante? “Idol ko si Tito Dolphy at si Michael V, gusto ko ang kanilang style,” pakli pa niya.
Sino ang gusto niyang maka-work bilang artista, kung sakali? “Gusto ko po maka-work sina Bela Padilla, si Ms. Cherie Gil, si ate Guy, si Maricel Soriano at marami pa po. Kasi mga hinahangaan ko talaga sila at magagaling talaga sila sa kanilang larangan,” esplika pa ni Gari.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio